Nagulat ako nang malamang solo pala namin ang buong bar ngayon. Kaya pala ang daming mga tao ngayon na pamilyar lang sa paningin ko pero hindi ko personal na mga kilala, bukod sa mga kaklase ko. Sa gilid pa ng bar ay nandoon ang maliit na mesa kung saan may mga nakapatong na regalo. Napailing na lang ako. I already told them na kahit wala ng gifts. “Maligayang kaarawan, Mahal naming Reyna!” napaikot na lang ako ng mata sa ere nang ipagsigawan ’yon ni Aries. Gano’n pa man ay hindi ko rin mapigilang mapangiti. “Thank you guys!” isa-isa kong niyakap ang mga kaibigan ko at nginitian naman ang ibang naroon na hindi pamilyar sa paningin ko. Sila ang nag-asikaso ng mga ‘to na hindi ko akalaing rerentahan pala nila ang buong bar! “Thank you for coming everyone! Let’s enjoy the

