Chapter Seven: Anonymous Message

1632 Words
Celine’s Pov I waved goodbye to Drew as he drove off. I still can’t believe we did it early in the morning – no, two times in a row. Mukha akong isang batang pinagkaitan ng masarap na pagkain sa mahabang panahon. I can’t get enough of this feeling. Papasok na ako sa elevator nang may humila sa akin ng malakas at sinandal ako sa pader. Napangiwi ako dahil sa naramdamang kirot sa may likuran ko. Napangat ako ng tingin at nagulat dahil nakasuot ito ng halos itim na kasuotan maliban sa suot nitong maskara. “Sino ka?” tanong ko. Lumapit ito sa mukha ko at bumulong. Ang boses nito ay tila isang robot. “Be careful, Miss Butterfield.” pagtatapos nito at may kinuha ito sa kanyang hoodie. Isang maliit na bote na may lamang purple liquid. Nagpumiglas ako dahil unti-unti niya itong nilalapit sa ilong ko ngunit hindi man lang ito natinag sa ginawa ko. “Why are you doing this? Sino ka ba talaga?” sigaw ko habang nakatitig sa kunehong maskara nito. Hindi na ito sumagot at tuluyan na nga akong nawalan ng malay nang maamoy ang kakaibang amoy galing sa maliit na bote. _____ Bunny’s Pov Dahan-dahan kong nilapag si Celine sa semento at pinagmasdan ito saglit bago umalis. I took off my mask at binaba ang hoodie. Naglakad ako kasama ang ibang mga tao sa daan. Hanggang sa lumiko ako sa may eskinita ng Dean rentals. Naghihintay na sa akin si Foxy, nakasimangot. "Para kang inagawan ng candy sa itsura mo ngayon." "Oh please, I don't even like candies." sabi nito at umirap. Napailing na lamang ako dahil umiiral na naman ang pagiging maldita nito. Tahimik kaming sumakay sa kanya-kanyang bike at pinahururot ito palabas sa highway. _____ Celine's Pov Dahan-dahan ko minulat ang aking mga mata at napahawak sa aking sentido. Bigla itong kumirot at umikot ang mundo ko. Napansin kong parang may kakaiba sa silid. Nasaan ako? As if on cue, bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Sarah na may bitbit na tray. May lamang bimpo at isang baso ng tubig. May mga gamot rin dito. Nagulat ito at inilagay niya kaagad ang tray sa kalapit na lamesa ng hinihigaaan ko. "Where am I?" tanong ko nang maupo ito sa tabi ko. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Nandito ka sa apartment ko. Buti naman at gising ka na. Pinag-alala mo talaga ako dun kanina. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo." "Why? What happened?" "Hindi mo ba naaalala? Nakahiga ka kaya sa parking area malapit sa elevator na parang isang bangkay." sabi nito. Pinilit kong alalahanin ang nangyari kanina pero hindi ko talaga maalala. Parang may kulang sa akin. Alam kong may nangyari pero bakit walang bumabalik sa memorya ko? "Aya? Uy, okay ka lang ba?" Muling bumalik ang nangyari kagabi sa memorya ko na parang isang dam na binuksan at kusang rumaragasa ang tubig. Pilit pumapalit sa nawalang alaala ngayong araw. I was with Drew all night. We had a friendly dinner date saka kumain ako ng malamig na ice cream at nanuod kami ng palabas sa cinema. After bringing me home, pinatuloy ko siya sa loob para uminom ng kape pero nag-iba ang simoy ng hangin nang alukin ko itong uminom ng beer. Nakaubos ako ng dalawang lata at.. "Oh my gosh!" sigaw ko at napatakip ng baba. Napalundag naman sa gulat si Sarah. Bumaling ako rito at humawak sa magkabila niyang braso. "Why? Why? Why?" "Oh my gosh. Sarah, I did something horrible last night." "What?" Dali-dali kong inalis ang kumot sa aking katawan at patakbong umalis sa apartment ni Sarah. Narinig ko pa ang sigaw nito pero mas nangibabaw ang kahihiyang nadarama ko. I immediately put my code at pumasok sa aking apartment. Napasandal ako at naghahabol ng hininga. I shriek like a mad woman. Patakbo kong tinungo ang kwarto at tinapon ang sarili sa aking malambot na kama. Napahinto ako nang maamoy ang pamilyar na pabango sa buong silid. Napabangon ako. "Why? Bakit nandito ang amoy ni Drew sa kwarto ko?" Naguguluhan kong tanong sa hangin. Medyo nalukot rin ang kumot ko at wala sa ayos ang mga unan. Even the blinds were open, which I rarely did. Binuksan ko ba ito kaninang umaga? Of course I will not do that. Pero alangang bumukas ng mag-isa 'yan? I was facing back and forth habang kagat-kagat ang right thumb ko. Kahit anong gawin ko ay wala talaga akong memorya sa nangyari ngayong umaga. Ano na bang nangyayari sa akin? Para na akong mababaliw kakaisip. Wait. Should I call Drew and ask him? "Really, Celine? Sobrang awkward kung tatanungin mo siya. Nope. Hindi ito option. Let's not call Andrew Alcantara. Plus, you just had a thing last night. Oh gosh." Hinanap ko kung saan-saan ang cellphone ko ngunit hindi ko makita sa buong apartment ko. Pati ba naman ito nawawala? Padabog akong umupo sa kama ko at napahinto ng may nasagi ang takong ng paa ko sa ilalim ng kama. Kaagad akong umupo at inangat ang puting comforter. And yes, my phone is lying cold all along under my bed. Ganoon na ba talaga ako kalasing kagabi at napagtripang itago ito sa ilalim ng kama. I'm insane. Pinindot ko ang voice command. "Call Rosie." I commanded. "Calling Rosie." The screen was automatically changed. Matagal bago sagutin ni Rosie ang tawag ko. "Friend." bungad nito. "Himala at tumawag ka." "Lasing ka ba?" tanong ko. Napasinok ito sa kabilang linya. "Hindi no." "Are you crying?" "Nope!" she shouted while popping the p. I rolled my eyes. "Nasaan ka ngayon? Sinong kasama mo?" "I am heartbroken now, Aya. Vin is a fake macho liar. He's a total jerk." sambit nito at may nilagok. "Wait, are you stalking him?" Ilang segundong katahimikan bago siya tumawa. "Oops. I answered using my head. Aww. It hurts." I sighed. "Just tell me where you are. Susunduin kita." "Harmonica Bar near Paraiso bay." "Alright. Stay where you are. I'm coming for you." sabi ko at pinatay ang cellphone. I took a quick shower at kumuha ng black skinny jeans and a fitted top saka leather jacket. Dinala ko lamang ang cellphone ko at isinuot ang 1 inch stiletto bago lumabas ng apartment. Narating ko ang bar 7:30 na ng gabi. Bumungad sa akin ang malakas na party music at ang sobrang wild na mga party goers habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Nakita ko naman kaagad si Rosie na nakasalampak sa lamesa malapit sa DJ stand ng mag-isa. Pero napapansin ko ang mga panaka-nakang sulyap ng dalawang lalaki sa katabing lamesa. Nagtagpo ang mga paningin namin at umiwas naman kaagad ang dalawang mokong. "Rosie," "Hmm," "Tumayo ka na d'yan." ani ko at tinampal ng mahina ang pisngi nito. Napansin kong nakaluwa ang malaking hinaharap ni Rosie dahil sa suot nitong parang bra na lamang. Lumingon ako at sinamaan ng tingin ang dalawang manyakis. Naglihis ng tingin ang dalawa at pasipul-sipol. "Tsk." Nagulat ako nang bumangon ito at ngumiti ng malaki. Kaagad kong tinakpan ang katawan nito sa suot kong jacket. "Nandito ka na pala, my only friend." aniya. Kahit halos hindi mo na maaninag ang mga mukha sa loob ng bar dahil ang tanging ilaw lamang ay nanggagaling sa disco at mga panaka-nakang ilaw sa mga poste. Napansin ko parin ang pamumugto ng mga mata ni Rosie. Bakit parang ako na ngayon ang mag-cocomfort rito? Gayong ako naman ang may kailangang advice sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo. Well, Rosie needs me more. "Come on. Tumayo ka na. Let's go home." sabi ko. Tumango-tango naman ito na parang isang bata. Inalalayan ko siyang makatayo at muntik na kaming matumba sa lamesa dahil biglang nanghina ang tuhod nito at hindi diretsong makatayo. "Okay. Steady." Tumawa lamang si Rosie. "Don't mind. Don't mind." ani pa nito. "I should be the one saying that." Napaangat ako nang tingin nang makitang may humarang sa daan namin. Sino pa nga ba kundi ang dalawang manyakis. Walang emosyon kong tiningnan ang mga ito. "Me and my brother here just want to lend you a helping hand. Mukhang kailangan mo kasi." sabi ng matangkad at patpatin na lalaki sabay ngisi at hindi man lang tinago ang pagdila nito. "I don't need your help. Step back." ma-otoridad kong sagot. "Whoooaah. Burn, bro." natatawang komento ng pandak at malaking tiyan na lalaki. "Huwag ka ng pakipot pa, Miss. Alam kong kailangan mo ng tulong." Akmang hahawakan na niya ang kamay ni Rosie nang sumigaw ako. "I said step the f**k back!" Nag-uumpisang maging bahay pukyutan ang loob ng Harmonica sa mga taong nakatingin ngayon sa amin. Nakita ko sa malayo na papunta ang isang bouncer na nagbabantay sa labas entrance ng bar at mukhang napansin rin ito ng dalawang hoodlum. Nakangising naglakad ang dalawa palayo sa amin. "Are you alright, ma'am?" tanong ng bouncer pagkalapit nito at sinipat ang dalawang lalaki na prenteng naglalakad na parang walang nangyari. I sighed. "I need your help." wika ko. Inalalayan kami ng bouncer hanggang sa maipasok niya sa likuran ng kotse si Rosie. He even fastened her seatbelt. "Thank you, Mr." "Don't think about it, ma'am. Anything for our loyal members." aniya habang napatingin sa natutulog na si Rosie. Tumango na lamang ako at pumasok na sa loob. Pinaandar ko ang sasakyan patungo sa apartment ko. I called Sarah para tulungan ako at nang mailapag namin sa sofa si Rosie ay umalis kaagad ito dahil sa niluluto niyang ulam. Umupo ako sa katabing sofa at pinagmasdan si Rosie. She must really love Vin so much dahil nagpakalasing pa talaga siya ng ganito. "You silly, girl." Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong tumunog. I was petrified nang makita ang calling id. "f**k. Andrew's calling me." I cursed at the wind. What should I do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD