Chapter 5

1007 Words
KANINA PA HINAHANAP ni Clara ang bacon pero hindi niya makita. Napadaan lang siya, nautusan pa ng mommy niya. "Mom, wala na tayong bacon," sabi niya habang tumitingin sa refrigerator. "Paanong wala? Kakabili ko lang nung isang araw," sagot ng mommy niya. Napanguso naman siya habang tinitignan ang mobile niya na hawak. May pinapanood kasi siya isang Turkish drama. Gumising talaga siya ng maaga para maituloy dahil nakatulugan niya. Nasa exciting part na pa man din siya. Napapitlag siya ng mawala sa kamay ang hawak na mobile. Nag-angat siya ng tingin at ang nakataas na kilay ng mommy niya ang sumalubong sa kanya. "Kaya hindi mahanap kasi hindi hinahanap," sabi nito at pinanlakihan pa siya ng mga mata. Napakamot naman siya sa ulo. "Mommy naman, eh," reklamo niya. Tinulak siya patabi ng mommy niya at ito na ang tumingin sa loob ng refrigerator. "Ano ito? Hotdog? Itlog?" sarkastikong turan ng mommy niya. Napangiwi tuloy siya. "Puro kasi bibig pinanghahanap, eh. Saka, ano ba pinagkakaabalahan mo sa cellphone mo at dimo maalis-alis ang mga mata mo." Akmang titignan ng mommy ni Clara ang mobile niya nang agad niya itong binawi at kumaripas ng takbo. Sakto naman papasok ang daddy niya. "Daddy!" tawag niya at sabay yakap rito. Clara is a daddy's girl. "Oh! Goodmorning sweetie." Hinalikan siya sa noo ng daddy niya bago bumaling sa mommy niya. "Goodmorning sweetheart." Inirapan lang sila nito na ikinatawa nila. "Manang-mana talaga sayo 'yang anak mo! Sabihin mo nga dyan na mag-asawa na para naman may pagkaabalahan ako kaysa ma-stress sa inyong mag-ama," lintanya ng mommy niya. "Ano na naman ang nangyari?" tanongng daddy niya. Umalis si Clara sa pagkakayakap rito at tumayo ng tuwid sa tabi nito. "Pinapakuha kasi ni mommy 'yung bacon. Sa hindi ko makita, wala talaga 'yun kanina dun, eh. Tapos nun siya na kumuha, nandun na. Magician yata si mommy, dad," kwento ni Clara. Mas tumawa naman ang daddy niya. "Ikaw talaga, dapat kasi huwag bibig ang pinanghahanap. Kaya lagi tayong nasesermunan ng mommy mo." Nginusuhan lang niya ito kaya naman ginulo ng daddy ang buhok niya. "Mag-asikaso ka na Clara at tigil-tigilan mo 'yang kakacellphone mo. Okey sana kung paglalandi 'yan kaso hindi, eh," sabad ng mommy niya na ikinaawang ng bibig niya. "Mommy!" "Oh, bakit? Twenty-six ka na, nasa tamang edad ka na. 'Yung iba bente pa lang lima na anak!" dugtong pa nito. Naipilig ni Clara ang ulo. Hindi niya kasi maintindihan ang mommy niya. Ang iba binabawalan ang mga anak, hetong mommy niya pinagtutulakan pa siyang lumandi. Bad influence talaga. "Excited lang magkaapo ang mommy mo," bulong ng daddy niya. "Teka, alam mo ba paano gumawa ng bata?" Hindi siya makapaniwalang tinignan ang daddy niya. Like seriously? "On the second thought, huwag na muna baby ka pa para d-" "Anong baby-baby ka dyan! Pwede na siya magkababy." Putol ng mommy niya sa daddy niya. "Pero paano mangyayari 'yun ni wala pa nga 'atang first kiss ang batang 'yan. Ayaw niya din sa mga manliligaw niya. Mabait naman si Joshua. Hay naku talaga." "Darling, kasalanan mo 'yun. Noon, pinagbawalan mo siya. Bawal ng ganyan, bawal ng ganito. Dapat puro educational books lang at movies tapos ngayon kung makapagrequest ka ng apo parang nag-add to cart ka lang, ah," bira ni daddy rito. Nakita ni Clara na nalukot ang mukha ng mommy niya. Totoo naman kasi ang sinabi ng daddy niya. When she was a child, she's not allowed to read nonsense book. Minsan nga nacu-curious siya kapag may hawak ang mga classmate niya na libro na sabi nila ay 'pocketbook' raw ang tawag. Nang magsabi siya sa mommy niya para magpabili, hindi raw pambata 'yun when she was already 18 years old that time. "Ah basta! Bibilhan na lang kita ng maraming pocketbook, dun ka magsimula magbasa kasi talagang ramdam mo ang kilig," sabi ng mommy niya na parang kinikilig pa. "No! Baby pa siya. Hayaan muna natin siya i-enjoy ang pagkadalaga niya " kontra ni daddy. At nagsimula na naman magtalo ang kanyang mga magulang. Sanay na siya sa mga ito dahil alam naman niyang parte lang ito ng paglalambingan ng mga magulang. And she prayed to God that she could also find the love her parents had. "Subukan lang may humalik sa baby ko at malilintikan sa akin." Narinig ni Clara sabi ng daddy niya na ngayon ay nakayakap na sa mommy niya habang busy ito sa pagluluto. Ang gulo, noon si mommy may ayaw. Ngayon si daddy naman. Saan kaya niya ilulugar ang sarili. At dahil walang pasok ngayon ay napagpasyahan niyang makipagkita na lang sa kanyang beshie na si Sandra. Her high school best friend until now. Pinagpasyahan niyang iwanan na ang mga magulang na busy na sa paglalambingan. Pagkapasok niya sa kanyang silid ay humiga siya sa kama at napatingala sa puting kisame. Habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa kanyang tyan kasama ang mobile niya. Gusto rin naman niya pagbigyan ang mommy niya sa gusto nito. Kaya nga hinahayaan niyang kulayan daw ng berde ang utak niya ng mga bagong kaibigan. Isa na nga sa pinagawa ng mga ito ay ang manood pero hindi muna raw 'yung mga wild na tulad daw ng fifty shades ba 'yun? Ah basta. Ipinakilala sa kanya ni Sarah ang Turkish drama, keso magaganda raw at pak na pak ang mga leading man. Pero mas lumama yata. Dahil mas naging mataas ang standard niya sa lalaking mapapangasawa. Dahil sa mga hot na leading man. Napapapikit siya upang alalahanin ang mga gwapong mukha ng mga leading man ng biglang mukha ni Sir Anthony ang lumitaw. Bigla siyang napadilat. Aaminin naman niya na pwedeng ihanay si Sir Anthony sa mga Turkish actor. Baka nga lamang pa ito dahil talagang makalaglag panty lalo na ang ngiti nito na hanggang sa mata umaabot. Hindi na naman siya ganun kainosente pagdating sa sinasabi nilang intercourse. Pero hindi rin naman siya ganun kaalam. Basta ang alam niya kailangan babae at lalaki na maghubad saka papatong ang lalaki upang makagawa na ng baby. Sa pagkakaalam niya. Tama naman ako, diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD