Chapter 26

2122 Words
HINDI MAPIGILAN ni Clara ang mapangiti. Sino bang hindi? Naalala na naman niya kasi ang naging reaksyon ni Sir Anthony kagabi ng sabayan niya ang kahalayan nito. Napaawang ang bibig nito at gulat na gulat na nakatingin sa kanya. Well, congratulations to her, she's learning. Habang nagbyabyahe sila ay nagpadala siya ng mensahe sa group chat nilang magkakaibigan. She was asking the meaning if someone asked you 'Do you want me to eat you?' at di nga siya nagkakamali. Ang bilis at galing sumagot. Wala naman daw kumakain na tao, pwera kung zombie, which are impossible. Sa mga movie lang 'yun. Kaya naman ang ibang ibig sabihin ng mga salitang 'yun ay 'I want to have s*x with you'. Napailing na lang si Clara. Ngayon in-offer niya ang sarili, umatras naman. Ang sabi may family dinner raw kaya hinatid na rin siya nito sa kanilang bahay. Napadako ang tingin niya sa may pintuan ng restaurant ng bumukas ito. Nakaharap kasi ang kinaroroonan niya sa may pintuan. Napako ang tingin niya sa pinakagwapong nilalang na nasilayan niya sa araw na 'yun. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At 'di niya alam bakit hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya at iniipit sa likod ng kanyang tainga, 'yung mga pabebe style. Nakita niyang ngumiti ito at nagsimulang humakbang palapit sa kanya. Tila naman nagwala ang mga alaga niyang paro paro sa tiyan habang magkahinang pa rin ang kanilang mga mata. "Hi," nakangiting bati ni Anthony kay Clara. "alone?" Binawi ni Clara ang tingin mula rito. "Yes, no, I mean… Kasama ko 'yung beshie ko kanina but she left already because of an emergency." "Oh, then, you're alone now?" ulit na tanong ni Anthony. "Not again. Hinihintay ko sila mommy at daddy. We're going to have lunch," nakangiting sagot ni Clara. "How about you?" Tumaas ang isang kilay niya, "date?" Tumaas ang sulok ng labi ni Anthony. Bakit may nahihimigan siyang kakaiba sa tono ni Clara. Is she jealous? 'Natural, gusto ka,diba?' Tuluyan ng napangiti si Anthony dahil sa sinigaw ng isip niya. "Son." Sabay na napalingon sina Clara at Anthony sa pinanggalingan ng boses. "Dad," mabilis na tugon ni Anthony sa kanyang daddy. "Tama nga ang mommy mo. Kailangan pa kitang sunduin dahil sigurado daw at naharang ka at nagpaharang ka naman. Anak naman, give a break. Magtatampo na talaga ang mommy mo sayo," pahayag ng daddy ni Anthony na si -Alfred. "Daddy, she's Clara, Andrew's secretary," pagpapakilala ni Anthony rito. Bumaling si Alfred sa dalaga na nakatayo na ngayon at nakangiting nakatingin sa kanila. "I'm sorry iha, I thought, my son was doing it again. You know," pag-aalinlangan pang turan niya. "No worries, sir. Alam ko po," pakikisakay ni Clara sa daddy ni Anthony na mas lumawak ang pagkakangiti. "Clara, you must be on my side." Anthony was sulking like a kid that got his father's attention. Seeing his son sulking, Alfred thought Clara was not just a nobody girl. "Clara," sabay-sabay ang tatlo na dumako ang tingin sa nagsalita. It's her parents. Mabilis na nilapitan ni Clara ang mga magulang. "Anthony, your here too, magkasama ba kayo ng anak ko?" tanong ng daddy ni Clara. Nagbigay galang naman si Anthony sa mga magulang ni Clara na ikinangiti ng daddy niya. "Hindi po, nagkataon lang po," tugon ni Anthony. "Don't you think this is what they call 'destiny'?" sabad ng mommy ni Clara. Napangiwi naman si Clara sa sinabi ng mommy niya. Hinila niya pa ang braso nito upang patahimikin dahil nakakahiya sa daddy ni Anthony. "Are we missing something in my son's life?" may panunudyong tanong ng daddy ni Anthony. Doon lang napansin ng mag-asawa ang presensya ng isang may-edad na lalaki na hindi nalalayo ang edad sa daddy ni Clara. "Would you mind if I invite you to join us? Tutal mukhang lunch din ang pakay n'yo dito?" "We don't," sagot agad ng mommy ni Clara at hinawakan na si Clara sa braso upang sabay na maglakad sa kung nasaan ang table ng mga ito. Dahil bayad na naman ang kinain ni Clara ay okay lang na umalis na siya. Kinuha niya lang ang kanyang bag at nagpahila na lang sa mommy niya. Namangha pa si Clara ng papasok sila sa isa sa mga Vip room ng restaurants. Balita niya kasi ay napakaganda talaga ng loob nito at nakakarelax. 'Yung pakiramdam na na pwede mong i-enjoy ang pagkain ng payapa. They never tried it before, okay na naman sila sa labas. Kahit afford nila ay masyadong mahal, kailangan practical ngayon. "What took you so long, Alfred?" bungad na tanong ng isang boses babae ang nag patigil kina Clara sa pagpasok. "Honey, huwag mong takutin ang future daughter-in-law mo. Nanlaki ang mga mata ni Clara sa sinabi ng daddy ni Anthony. Habang si Anthony naman ay napailing na lang. "Oh, I'm sorry. May kasama pala kayo. Who are they?" Napalitan ng pinaka sweet na boses ang nakakatakot na tinig kanina. Tuluyan na rin pumasok sina Clara at bumungad sa kanya ang isang ginang na nakatayo at may malawak na pagkakangiti. The woman was beautiful-no-A Goddess in her forties, she thought. Nang tuluyan makalapit ay si Anthony na ang nagpakilala sa kanila. Nagulat pa si Clara ng yakapin at makipag beso pa ang ginang sa kanya. Like, she knew her all along. Ang daming pumapasok sa isipan niya na baka mala-tigre ang mommy ni Anthony. 'Yung katulad sa mga palabas na sasabihin 'kunin mo itong limang milyon, layuan mo ang anak ko' pero syempre hindi niya tatanggapin at sasabihin, 'binigyan niya ako ng sampung milyon, huwag ko raw siyang iwan. Nabalik si Clara sa sarili ng tapikin siya ng mommy niya sa pisngi. Parang gusto niyang magpalamon sa lupa ng makitang sa kanya na nakatuon ang mga tingin ng mga ito. Ganun na ba kalalim ang iniisip niya? "Are you okay, baby?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ng mommy ni Clara. Numiti siya at tumango. "Yes po, I am fine." "Mabuti naman, let's sit. Hintayin lang natin ang ibang order na pinadagdag ko." Nagpasalamat si Clara kay Anthony ng ipaghila pa siya nito ng upuan. Isang pahabang lamesa na may anim na upuan. Tigta-tatlo na magkaharap. At katapat ko si Anthony na kapwa sila nasa dulo, sa gitna ang kanilang mga mommy at sa kabilang dulo naman ang kanilang daddy. The ambience of the whole room was really relaxing. Meron pang amoy na talaga nakakarelax. May mga halaman sa may isang sulok na parang inilaan talaga para sa mga ito. Mahilig ba sa bonsai si Sir Kenneth? Siya kasi ang nagmamay-ari ng Rainbow Corner. "So, tell us something about what's going on between you two?" tanong ng mommy ni Anthony na si- Leila. Hindi alam ni Clara kung ano ang isasagot sa ginang. Ano ba relasyon niya sa anak nito? "Mom, stop making her uncomfortable," angal ni Anthony. Napansin niya kasi na hindi handa si Clara sa katanungan ng mommy niya at wala naman dapat mangyaring ganun. They are just having lunch. That's it, no other reason. "E, di ikaw na lang ang sumagot. Are you dating? Na-meet mo na rin pala ang parents niya. Ni hindi mo na-i-share sa amin na may-" "Mom," nahihiyang putol ni Anthony sa iba pang sasabihin ng mommy niya. Kilala niya kasi ito at baka ano pa mga masabi. 'Bakit? Gusto mo ba magpa-impress sa mga magulang ni Clara?' His mind asked. "Alright, let's eat first. Mamaya na lang ulit," malawak ang pagkakangitii ni Leila dahil sa wakas mukhang malapit na siya magka-apo. Hindi naman maiwasan ni Clara ang mapangiti dahil asikasong-asikaso siya ni Anthony. Nagwawala tuloy ang mga paro paro sa tiyan niya. "What else do you want?" malambing na tanong ni Anthony kay Clara na hindi alintana ang mga matang mapanuring nakatingin sa kanila. "I'm good. Kaka kain lang din namin kanina ni Sandra, kaya medyo busog pa ako. Ikaw, you want something?" Ngumisi si Anthony habang matiim na nakatitig kay Clara. Bakit kasi iba ang dating ng tanong nito sa kanya. Parang naalala niya ang sinabi nito kagabi. Nakarinig sila ng may tumikhim kaya naputol ang kanilang titigan at doon lang natauhan ang dalawang maharot na nilalang na nasa paligid ang kanilang mga magulang na kapwa may nanunudyong tingin at ngiti. "Natalo ka ng anak ko?" tanong ni Alfred upang mawala na ang atensyon sa kanilang mga anak na tila nahiya. "Yes, ang galing palang sumipsip ng s**o ng anak mo. Siguro nagmana sayo," tugon naman ni Clarence. "Aba, syempre! Noong kabataan ko kahit s**o lang ang kainin ko, solve na solve na ako," pagyayabang pa ni Alfred. Habang si Leila naman ay napataas ng kilay sa kayabangan ng asawa. Hindi na siya magtataka na minana ng dalawang anak ang kahanginan nito. Sina Anthony at Clara ay nagkatinginan at sabay na nagkibit-balikat. Napapangiti sa kwentuhan ng kanilang mga magulang na mukhang nakagaanan agad ang loob ng isa't isa. Hanggang bumalik sa kanila ang paksa ng mga ito. "Ano ba relasyon nyong dalawa? Anthony, wala ka pa bang balak magtino sa buhay mo. Aba! Iho, tumatanda ka na, pakinabangan naman natin ang sperm mo." Nasamid si Anthony sa sinabi ng mommy niya. "Mommy, naman, eh. May mga kasama naman tayo, oh," "Sabi ko na, iho. Meant to be talaga kayo nitong si Clara namin. Naghihintay na rin ang egg cells niya, baka ma-expired ang matris, sayang naman. Compatible kayo, diba?" Si Clara naman ngayon ang nasamid dahil sa tinuran ng mommy niya. "If you need some lecturing about naughty stuff, you can ask me, Clara. I don't mind teaching and giving you some advice," ang nakangising pahayag ni Leila. "Gusto kong pagsisihan ang pagbabawal ko sa kanya noon. Natakot lang naman ako na baka mabuntis siya ng maaga. Kaya ngayon, kailangan talaga ng malawakang pagtuturo sa batang 'yan," daing naman ni Samara habang nakatingin sa anak. "I think Anthony is willing to do it, right, son?" nakangising sabad ni Alfred. "Don't you think it is weird to talk about it? Mom, dad, mahiya naman kayo sa parents ni Clara, baka isipin nila-" "It's okay, iho. We are open minded. After all, my daughter is not getting younger. Pero syempre, desisyon n'yo pa rin 'yan. Huwag mo na lang kaming pansinin, we are just happy at least, at last my daughter got attracted with opposites gender," paliwanag ng daddy ni Clara. "Actually…..I'm courting him," nag-aalinlangan na sambit ni Clara. "Clara!" Di inaasahan ni Anthony na sasabihin 'yun ng dalaga. Habang ang kanilang mga magulang ay tila nagulantang rin ngunit napalitan din ng ngiti pagkalipas ng ilang minuto. "What? Seryoso naman ako sa sinabi ko kagabi na liligawan kita." Clara rolled her eyes. "That is inappropriate, Clara," mahinang tugon ni Anthony. Pakiramdam niya kasi ay biglang nag-init ang kanyang mukha sa sinabi ni Clara. "What's wrong with that, iho? Wala naman batas na bawal manligaw ang babae, diba?" Samara interject. "Actually, I did the same with her father." Bakas ang pagmamalaki sa boses nito. "You mean,.." "Yes, iho. Ako nanligaw sa daddy niya. Paano napaka babaero, tinulungan ko lang naman ang mga kababaihan na mabawasan ang mananakit sa kanila. They should be thankful, right?" Clara rolled her eyes again. Ilang beses ng nag kwento ang mommy niya tungkol sa lovelife ng mga ito. Habang si Anthony ay makikita ang pagkamangha sa natuklasan. "You look proud about it?" Usisa ni Leila. "Ofcourse, I am. Sinong hindi? Sa sobrang babaero nitong herodes na ito ay ako ang nakapag patino sa kanya." Biglang yumakap si Clarence sa asawa. "Oh!" Tanging reaksyon ni Leila, natutuwa siya sa kaharap na mag-asawa. "And I think, namana ni Clara sayo 'yun. Sabi nila kapag ang inosente ang natuto ay mas malala pa sila. Specially once cupid hit them." "Well, kung sa anak mo naman gagamitin, why not?" malawak ang pagkakangiti ni Samara. "I like your daughter, too. Baka siya na ang magpapatino dito sa anak kong kasing babaero ng daddy niya," tugon ni Leila na sinamaan pa ng tingin si Alfred. "Hon, bakit nadamay na naman ako? Nananahimik ako dito," maktol ni Alfred na ikinairap lang ni Leila. "Balae, I heard that they have a new collection of wine. Let's have a peek at it at the main bar." Tumayo na ang dalawang lalaki at nagpaalam na lalabas muna. "Nauna pa silang magdesisyon sa atin, magbalae na agad. Pero, I like it, right, balae?" Tumango naman at ngumiti si Samara. "Ano gusto mo unang apo, I longing for a girl, since I have two sons." "Well, kahit ano naman basta malusog ay ok na ok sa akin," sagot ni Samara. At nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawang babae sa pagkakaroon ng apo. Habang sina Clara at Anthony ay nagkatinginan na lamang at mukhang iisa ang nasa isip. Their parents are weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD