Sekretarya na ang namahala muna sa photo shoot.Balak kasi nilang pumili ng limang babaing pinakamagaling sa grupo.
"Sir Razel 'to na ang VTR ng photo shoot,"saad ng sekretarya nito.
"Thank you! pwedi pakidalhan mo kami dito ng apat na coffee."
"Sir pareho ba lahat?Flat white kasi ang paborito ni ma'am Rina."Nakaismid na saad ng sekretarya nito.Inis kasi sila dito dahil sobrang naartihan sila sa dalaga.
"Bro ano sa'yo?"tanong ni Heath sa binatang kaibigan.
"Frappe sa akin!"matipid na sagot naman nito.
"Same nalang tayong tatlo!"saad naman ni Heath na abala sa pag-aayos ng VTR."
Hindi pa nakakasimulang pumili ng mga modelo ang dalawang kaibigan ng biglang may kumatok sa pinto.
"Come in!"Saad ng nakaka-akit na boses ng binata.
"Ito na po ang coffee niyo! isusunod ko nalang ang kay sir Hunter."saad ng sekretarya.
Pagkatapos mailapag ang dalawang tasa ng coffee nagpaalam na 'to ngunit bago paman siya lumabas,may inabot na puting folder si Razel sa kanyang sekretarya.
"Thank you ulit.Ito ang napili namin limang babae.Pauwiin mo na ang hindi napili para wala ng choice si Hunter."Nakangising saad ni Razel
"What do you think bro? magugustuhan kaya ni Hunter ang mga napili natin."
"Sure naman.Ang gaganda at s-sexy ang mga napili natin,but the big question dito,magugustuhan kaya ni Rina ang modelong napili natin?"
"Almost dalawang buwan na tayo naghahanap ng model kaya pipilitin ko si Hunter na last na 'to.Darating next week sina Tim at Jansen kasama ang ibang tropa kaya kailangan na natin 'to matapos."Seryosong saad ni Heath habang inaamoy ang mabangong Coffee.
Habang nag-antay ang dalawa sa kakambal pinapanood nilang muli ang babaing nakasuot ng malapad na sombrero at may makapal na lipstick na sobrang nakakaakit.
"She look familiar.Napaka-unique ng kanyang ganda.Ito ang hinahanap ko.Sobrang bagay sa kanya ang pulang dress at ang paghawak niya sa bote sobrang nakakaakit."
"Excited na ako sa swim wear nila mamaya."Kagat labing saad ni Heath
"Oiii Heath huwag kang gumawa ng eksena at baka sugurin tayo ulit ni Tita Kath at buong gang."
"What's going on? mukhang masaya yata kayong dalawa?"Tanong ni Hunter na kakarating lang.Halos lahat ng madaanan nila ay lumilingon at humahaba ang leeg kakasunod ng paningin nila kay Rina.Nakasuot kasi 'to ng black hot dress.Masyadong luwa ang dibdib at halos kita na ang kaluluwa sa baba.
"Look at this pretty lady.Swak siya sa virgin wine.Papatok ang wine natin kung siya ang kukunin natin."Excited na saad ni Heath sa kakambal.
Agad lumapit ang dalawa at tiningnan ang sinasabing ni Heath.At hindi na sila nagulat sa reaksyon ni Rina.
"Nothing special to that girl.Simpleng babae.Look at her lips masyadong makapal."
"Rina we talk already a while ago about this.I'm so tired.They are right,i think this lady is perfect model para sa dalawang produkto natin."
Knock..Knock!" Ito na po ang Coffee niyo."Plastik na nginitian nito si Rina.
"Put there and you can go."Mataray na saad niya sa sekretarya.
"Masyadong masungit talaga 'to,tulad din ng kape niyang flat.Inggit lang kasi mas maumbok iyon kaysa kanya."Mahinang saad ng sekretarya habang dahan-dahan inilalapag ang kape at slice cake sa mesa.
"Sir na sa pool na po ang limang babae kayo nalang po ang inaantay para personal niyo silang makita."
"Okay.Susunod na kami."
Makalipas ang halos sampong minuto.Sumunod narin silang apat.Halos kapit tuko naman si Rina sa nobyo.
Lahat sila ay naka-two piece attire.Walang ingay ng lumusong ang 4 na modelo ngunit ng si Nene na ang nakasalang sa photo shoot, umugong ang mga malalakas na bulong-bulongan.
Isang lalaking modelo ang nag-abot ng kamay ni Nene pagkatapos pumuwesto na sila para sa kanila photo shoot.Maraming na ang nakuha larawan ng biglang humarap si Nene.Sa gulat ni Hunter,aksidente niyang nabuga ang iniinum.Pati sina Razel at ang kakambal ay gulat na gulat din ngunit si Rina selos ang nakikita sa mukha niya.
"f**k,Razel ano ang ginagawa niya dito?"Inis na tanong nito sa kaibigan na ikinagulat ng lahat.
"S-sir you know her?"nagtatakang tanong ng sekretarya.
"Y-yes.!"Pagkasagot nito agad siya lumusong sa swimming pool at hinila si Nene papalayo sa mga tao.Nag-alburoto si Rina ngunit pinakalma siya ng dalawa.
"Calm down Rina.Huwag kang gumawa ng eskandalo dito kung ayaw mo pag-usapan tayo."
"Pag-usapan? look what she did! nilalandi niya ang kapatid mo."Inis na inis na sagot ni Rina.
"Don't worry babalik sila."Nakangising sagot nito sa dalaga sabay kindat kay Razel.
Habang nagbulong-bulungan ang lahat,si Hunter parang baliw naman na pinapagalitan si Nene.
"Who told you to wear like that? Ang pangit ng legs mo,hindi makinis."
"Aba! Sir ikaw lang ang nagsabi niyan.Sila ang sisihin mo dahil sila ang nagpasuot nito sa akin."
"Kahit na.Tingnan mo ang labi mo ang kapal-kapal ng lipstick.At ang dibdib mo luwang-luwa.Wala interesado diyan."Saad nito habang nagpupunas ng pawis.
"Bakit kaba nagagalit? luwa nga din ang sa girlfriend mo dapat iyon ang pinapagalitan mo hindi ako.Hindi kita boyfriend noh."
"Shut up.Papunta na dito ang sekretarya ni Razel,palitan mo ang damit mo dahil hindi bagay sa wine.I need an endorser na mukhang fresh at hindi mukhang prostitute."
"Ang sungit mo naman.Bahala ka diyan babalik na ako labas para matapos na ito at makauwi na ako."
"Don't dare me.This is my company so you know my rule."
Napabuga ng hangin si Nene.Pagkadating sekretarya agad silang pumunta sa dressing room at nagpalit.Naka pitong palit na siya ng damit bago nagustuhan ni Hunter.
Isang long neck dress ang suot niya.Balot na balot ang katawan niya ngunit ganun paman magaling si Nene magdala ng damit.Sobrang ganda niya parin.
"Let's go!"Saad ni Hunter sa dalawa.
Pagdating sa labas lahat nakatingin sa kanila.Sobrang gulat na gulat silang lahat dahil ang pinakamahal na damit na gawa ng sikat na sikat na designer ay suot ni Nene,kahit si Rina ay hindi 'to nahawakan dahil isa lang 'to sa collection nila.
"What is this Hunter.Collection mo iyan bakit mo naman pinasuot sa malandi na iyan."Mahinang saad ni Rina habang nakangiti sa karamihan ngunit sa loob-loob niya gusto niya na sumabog.
"Ako ang may-ari kaya pwedi ko gawin ang lahat Rina.Alam mo ang pinaka-ayaw ko sa lahat ang pakialaman ako pagdating sa business."Saad ni Hunter habang niluluwagan ang kurbata.
Seryosong tinitigan ni Hunter si Nene habang naglalagay ng wine sa glass.Samantala si Nene ibinigay ang lahat ng makakaya,sobrang mapang-akit ang pagka hawak niya sa baso,nakaawang ang labi at nangungusap ang mga mata.
"Pinsan ko iyan.Ang ganda mo talaga sigurado babalikan kana ni Gabby pagnakita ang larawan mo."Tuwang-tuwa na sigaw Inday.
"Inday manahimik ka baka palabasin tayo dito mamaya."Saway naman ni Toto sa asawa.
Kumonot naman ang noo ni Hunter ng marinig ang sinabi ni Inday.Lumapit 'to kina Razel at Heath.
"Bro who's Gabby at ano siya ni Nene?"Mahina at seryosong tanong nito sa dalawa.
"Bro malay namin.Wala kaming alam kay Nene.Ang lakas talaga ng tama mo sa kanya."
"Nevermind.Ginagawa ko lang 'to dahil gusto ko mapaganda ang kakalabasan ng ating photo shoot.Pure business lang 'to."
"Talaga Heath pure business lang daw?"sarkatiskong sabat naman ni Razel.
"Sabi niya eh...Let's us see."
Lumapit si Heath sa model na kasama ni Nene.Suportado naman ni Razel ang ginagawa ng kaibigan.Gusto nilang inisin si Hunter dahil ayaw nito umamin.
Maya-maya pa ay lumapit ang modelong lalaki kay Nene at humawak sa bewang nito.
"He's f*****g bastard."Inis na inis na saad ni Hunter.
"Bro kawawang modelo for sure wala ng trabaho iyan bukas."Bulong ni Razel sa kaibigan.
Pigil na pigil si Hunter sa kanyang sarili dahil ayaw niya magpag-usapan.Nakaupo lang 'to at nakasuot ng sunglasses ngunit sa loob-loob nito gusto niya ng sugurin ang lalaking modelo.