Makalipas ang ang limang taon, naging masagana ang kanilang pagsasama. Nagbukas ng negosyo si Nene, isang flower shop. Mahilig kasi siya sa bulaklak kaya 'to ang naisip niyang negosyo na alam niyang papatok. Napagkasunduan din nilang dalawa tuwing sabado at linggo si Hunter ang maiiwan sa bahay nila dahil siya ang nagbabantay sa shop pag-weekend. "Ate, pwede bang tulungan mo ako sa mga kapatid mo." "Daddy, tatapusin ko lang ang home work ko," sagot niya sa ama. Labing apat na taon na 'to pero malaking bulas na babae. "Daddy, I want choco milk!" sigaw ni Israel, ang panganay sa quadroplets. "Me too, I want choco milk with cereal dad," segunda naman ni Cazel. "Mga babies, saglit lang." Habang abala si Hunter sa pagtitimpla ng gatas ng dalawa bigla nalang may kumalampag sa labas ng pin

