Tuwing umaga sobrang abala si Nene dahil sa pag-aasikaso ng mga bata. S'ya ang nagpapaligo at nagpapabihis sa apat habang sina Inday naman at Manang Caring ang naghahanda ng pagkain. "Mommy!" Sigaw ni Cazel sa loob ng banyo. "Cazel, hindi pa ako tapos sa kuya mo. Please, huwag makulit." "Sina Kuya Valentine at Diamond po, mommy!" "Kuya Val, umupo muna kayo dito sa tabi ko. Hayaan n'yo si Cazel d'yan." Binilisan ni Nene ang pagbihis at pagsuklay kay Israel dahil maliligo din s'ya. Gusto n'ya pumunta sa school upang kausapin ang teacher ng mga bata dahil sa pag-absent ng apat kahapon. "Mommy!" Sigaw naman ni Diamond. "Diamond, come here!" "Mommy, I'm so ugly already." "Who told you bunso?" Hindi na pinansin ni Nene ang mga anak dahil normal nalang sa kanya kung gaano ka lilikot a

