Hindi na masyadong nagkikilos si Nenne dahil malapit na siya manganak. Wala naman siyang problema sa mga anak dahil may mga disiplina ito sa mga sa sarili kahit makukulit sila. "Mommy, ito na po ang gatas niyo!" Nagtaka si Nene bakit may dala din gatas ang mga anak e hindi niya panaman nagagalaw ang gatas sa Mesa na dala ng nurse niya "I'm sorry, nurse Alicia pero wala akong tiwala sa'yo." Diretsahang saad ni Hyle sa nurse na kinuha ng kanilang ama dahil medyo dinugo lately si Nene kaya kumuha ito ng private nurse para maalagaan ng maayos. "Isusumbong ko kayo sa daddy niyo." Saad naman ng nurse sa kanila. "Kuya Valentine, ilabas mo na ang babaeng iyan." Matapang na saad ni Diamond sa kaharap. "Diamond ano ang problema bakit niyo hinihila palabas si Alicia?" "Lola Caring, she's bad.

