Chapter 3

2212 Words
Pasipol-sipol na lumabas si Hunter mula sa silid nito. Nakaligo na 'to kaya fresh na fresh na ang mukha ng binata.. "Oh anak, andito ka pala! Tamang-tama masarap ang ulam natin ngayon," saad ng ina. Napangiti naman 'to dahil ang nasa isip niya na niluto ng ina ay ang favorite n'yang carbonara with shrimp at maraming oregano powder. "Mom, natatakam naman tuloy ako." Inakbayan niya ang ina habang papunta sa kusina. Pagdating sa kusina, nagtaka ang binata bakit hindi maipinta ang pagmumukha ng mga kapatid. "Hey, what's going on? B-bakit parang hindi niyo gusto ang pagkain? Heath, ano ang problema bakit lumulubo ang panga mo? B-bakit hindi mo pa nilulunok ang pagkain mo?" Sunod-sunod na tanong nito sa kakambal. Hindi na nakasagot si Heath at tumayo nalang ito ngunit pinigilan ng ina nila. "Saan ka pupunta Heath? "Lunukin mo muna ang pagkain sa bibig mo," mariing utos ng ina sa kakambal. Maluha-luhang nilunok ni Heath ang pagkain kahit labag sa kan'yang kalooban. Napalingon sila sa kanilang ama na kagagaling lang sa trabaho na may malaking ngiti sa labi habang papalapit sa kanila. "Mukhang masarap yata ang pagkain ngayon? Anong mayroon ngayon at kumpleto kayo mga anak?" "Daddy," mahinang tawag ni Sky sa ama. Gusto nito sabihin sa ama kung ano ang ulam nila. "Dito kana umupo sa tabi ko," malambing na saad ng mommy nila sa kanilang ama. "Mukhang mabango ang ulam natin. Saan ba 'to galing?" Nakangiting tanong ni Dos at mabilis na umupo sa tabi ng asawa. Si Hunter naman at Heath panay inum ng tubig pagkatapos lumunok ng pagkain. Para silang bata na nagsisipaan sa ilalim ng lamesa. Gusto nila magpaalam na hindi na sila kakain ngunit takot sila sa ina dahil alam nila magagalit 'to. Mataas ang respeto nila sa kanilang ina, kaya kahit malalaki na sila never silang sumagot ng pabalang sa ina. "Ano pa ang inaantay n'yo? Kumain na tayo dahil special naluto 'to ng Tita Sheena niyo. Biruin mo kahit ang layo na natin sa kanila nilutuan niya parin tayo." Napamura naman bigla si Dos nang marinig ang sinabi ng asawa kung kanino galing ang ulam nila. "f**k. This is the worst food ever," mahinang bulong nito sa sarili. "May problema ba sa pagkain? Ang sarap kaya, lalo na ang adobong palaka." "Pasensiya na asawa ko, pero biglang sumakit ang tiyan ko. Mamaya nalang ako kakain." Alibay nito sa asawa at mabilis na umakyat sa taas. Ayaw na ayaw niyang kainin ang pagkain na galing kay Sheena dahil sigurado siya puro exotic food ang mga ito. "Ohh, kayo ano pa ang inaantay n'yo. Kain na kayo. Hayaan niyo na ang Daddy Dos n'yo. Ako na ang bahala sa kan'ya." Nanginginig na hinahawakan ni Hunter ang kutsara at tinidor. Gusto niyang magpaalam ngunit hindi niya magawa. "Ma'am may naghahanap po kay Sir Hunter sa labas," saad ng katulong nila. "Anak may bisita ka ba ngayon?" tanong ng mommy n'ya.. Kumunot ang noo ni Hunter dahil wala s'yang maalala na may bisita s'ya ngayon. Kahit kailan hindi pa s'ya nag-imbita ng bisita sa bahay nila simula ng nagkaroon s'ya ng sariling bahay. "Akin na ang remote." Binuksan ng ginang ang malaking screen ng monitor, kung saan makikita mo ang tao sa labas ng gate. "S-sino s'ya Hunter?" Usisa ng ina niya sa kan'ya. Kitang-kita sa malaking screen ng TV nila ang dalagang nakatayo sa labas ng pinto. Simple lang ang ayos nito ngunit nakakamangha ang ganda at kutis nito. Napamura ng malutong ang binata habang kinakapa ang bulsa. Tiningnan niya ang kanyang pitaka at doon niya nalaman na maling card ang naibigay niya sa dalaga. "I'm sorry mom. I need to go. Mali ang address na binigay ko sa kan'ya. Siya pala ang kinuha ko upang maglilinis sa bahay ko." "Bakit? Nasaan ba sina Manang Caring at Lira?" takang tanong ng ina niya. Hindi na sinagot ni Hunter ang ina at tumakbo na rin palabas. Laking pasalamat n'ya na dumating ang dalaga dahil nagkaroon siya ng dahilan upang umalis na. "Mom, sasama ako kay Hunter dahil ipapalinis ko din ang bahay ko." Nakahanap din ng dahilan si Heath para makaalis. Napailing nalang ang ina nila dahil alam niyang iniiwasan lang ng mga anak ang kanilang pagkain. Pagdating sa guard house pinasakay n'ya agad ang dalaga. Tahimik naman na pumasok sa sasakyan si Nene. Aakmang pipindotin ni Hunter ang lock ng saksakyan ng biglang sumigaw ang kakambal. "Bro sasama ako!" "Hindi ako gagala. May maglilinis ng bahay ko kaya hindi ako pwede gumimik ngayon," alibay ni Hunter sa kakambal. "Kung gusto mo, ako na maiwan sa bahay mo. Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Ang galing mo pumili, maganda at sexy s'ya," sabi ng kakambal n'ya habang tinitigan ang dalaga. "Umayos ka. Humanap ka ng maglilinis ng bahay mo. She's mine," mahinang sagot nito sa kakambal. Bigla naman humalgapak ng tawa si Heath dahil sa inasal ng kapatid. Never n'ya pa 'tong nakita naging possessive sa mga babae. Kahit girlfriend na nito si Karina marami parin 'tong nakakatalik gabi-gabi. "Ano ang problema mo? May nakakatawang ba sa sinabi ko?" Kunot noo na tanong ni Hunter sa kakambal. "Wala naman bro." Pagkatapos lumipat 'to sa likuran kung saan nakaupo si Nene. "Ano ang ginagawa mo diyan? Bumalik ka dito. Tarantado ka talaga," saad ni Hunter sa kakambal. Tuwang-tuwa naman 'to dahil sa sinasadya n'ya talagang asarin ang kapatid. "Hi Miss. Ako pala si Heath ang kakambal ng amo mo ngunit mas gwapo ako sa kan'ya." Nakangising pagpapakilala ni Heath sa dalaga. "N-nice meeting you." Nahihiyang sagot ni Nene sa binata. Hindi siya sanay na makakita ng mga gwapong lalaki tulad ng nasa harap at katabi niya. "Wow, I like you. Mga tipo mo ang gusto ko. Mga babaing mahiyain. Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?" Bago pa nakasagot si Nene, isang malakas na preno ang ginawa ni Hunter kaya napasubsob silang pareho sa likod. "Bro naman bakit mo naman hininto?" Reklamo nito sa kakambal habang kinakapa ang noo. Tumama kasi ito sa matigas na bahagi ng upuan. "Bumaba kana total ligtas ka naman sa exotic food ni Tita Sheena." Agad naman bumaba si Hunter at binuksan ang pinto sa likuran. "Fuck... Really? Talagang tinamaan ka sa kan'ya?" Pabulong na tanong nito sa kakambal. "H-hindi ko s'ya type. Ayaw ko lang siya mabilang sa mga babae mo." Depensa nito sa kakambal. "I'm not sure," sabay tawa nito habang bumababa . Sinamaan ng tingin ni Hunter ang dalaga matapos iwan ang kambal isang kilometro ang layo sa kanilang tahanan. "S-sir, b-bakit mo naman iniwan ang kapatid mo?" "Gusto mo siya samahan? Pwede ka na rin bumababa," supladong saad nito sa dalaga. "Nagtatanong lang po." At tinikom na ang bibig dahil mukhang badtrip na 'to sa kan'ya. "My car, my rules. Kaya huwag na maraming tanong dahil pati ikaw pababain ko, kung hindi ka titigil sa kakatanong. At sa susunod huwag kang makipaglandian sa mga lalaki," seryosong saad nito habang nagmamaneho. Napalunok naman ng laway si Nene. At pabulong 'tong nagsalita. "Ang sungit naman ng gamay pisot na ito. Isang beses lang naman ako nagtanong," bulong nito sarili. "May sinasabi ka ba?" "W-wala sir, ang sabi ko lang ang liit ng pasensya mo." "Hindi iyan ang sinabi mo. Anong maliit? ginagalit mo talaga akong babae ka." Inis na inis na tanong ni Hunter sa dalaga. Mabilis nitong pinatakbo ang sasakyan hanggang sa makarating ng bahay niya. Pagdating sa bahay ng binata, sobra s'yang namangha dahil sa sobrang laki ng bahay nito. "Get out!" Walang imik na sumunod si Nene kay Hunter. "Magandang hapon po Sir Hunter. Dito po ba kayo maghahapunan," tanong ng katiwala nito. Madalas kasing nasa galaan at sa labas ang amo. Halos ginagawang hotel nalang nito ang bahay n'ya. "Yes, at saka ikaw na Manang Caring ang bahala sa kan'ya." "Teka lang Sir Hunter. Akala ko ba maglilinis po ako dito? At saka sabi mo wala kang katulong." Lakas loob nitong tanong sa binata. My house , my rules. Tsaka, ikaw ang may utang sa akin, kaya kung ayaw mo, dadagdagan ko na lang ang parusa mo." "I-ikaw naman sir, hindi na mabiro." Kung ako sayo, just keep your mouth shut up para hindi ko dagdagan ang utang mo sa akin." Pagkatapos tumalikod na ito, samantala naiwan naman si Nene na nakanganga. "Ang suplado mo. My car, may rules. My house, my rules. Kainis naman ng amo niyo. Sarap kutusan kag ipakaon sa buaya. Damo na bal-an, gamay naman ang pisot." Inis na inis na saad ni Nene. "Ilongga ka?" Masayang tanong ni Manang Caring kay Nene nang marinig ang sinabi nito. "Ay, oo manang!" "Ilongga man ako, Nene." Matapos nila magpakilala. Masayang nagkuwentohan ang mga bagong magkaibigan. "Manang Caring, ano po ba ang gagawin ko dito?" "Hindi ko alam basta hintayin mo nalang ang utos ni Sir Hunter." Walang nagawa si Nene kundi hintayin ang pagbaba ng amo. Gusto na n'yang magpaalam dito at umuwi dahil galit na si Inday sa kan'ya. "Nene, pwedi bang makisuyo?" Tanong ng anak-anakan ni Manang Caring at mukhang kasing edad n'ya lang 'to. "Sure Lira!" Nakangiting sagot n'ya dito. "Pwede ba tanungin mo si Sir Hunter kung ano pa ang gusto n'yang kainin bukod sa roasted chicken." "L-lira, p-pwede ba, iba nalang ang i-utos mo sa akin. Ang sungit naman kasi ng amo mo." "Please Nene! Promise mabait iyan si Sir Hunter," nakangising saad ni Lira. At itinulak na s'ya paakyat ng hagdanan. Nahiya naman si Nene dahil nakaupo lang s'ya. Naglakas loob s'yang umakyat at kinatok ang pintuan ng binata. "Tao po, Sir Hunter---" saad niya habang kinakatok ang pinto ng binata. Hindi sumagot ang binata kahit nakailang katok na s'ya kaya minabuti n'ya nalang buksan. Nang masigurado na bukas 'to, binuksan niya ang pinto ng maliit at sumilip muna. "Is the view good? Come in!" Bumuntonghininga muna 'to bago pumasok. "S-sir pinapatanong ni Lira kung ano pa po, ang gusto n'yong kainin?" Tumayo 'to at lumapit kay Nene. Pumunta 'to sa likuran ng dalaga at bumulong sa tainga nito. "Paano kung sasabihin ko sa'yo na ikaw ang gusto kung kainin." Napalunok naman ng laway si Nene dahil damang-dama n'ya ang mainit na hininga ng binata. "S-sir, hindi ako ulam. Kaya sagutin mo nalang ang tinatanong ko," naiinis niyang sabi. Nag-iba ang timpla ng mukha ni Hunter ng hindi man lang 'to nabighani sa magandang n'yang katawan. Nakasuot lang 'to ng boxer at walang damit ang pantaas kaya kitang-kita ang perpektong hubog ng katawan nito. "Alam mo Nene sobrang na-e-excite ako sa'yo. You are very different from the other women I have met, before. You are the one who is not affected to my body." Hindi mapakali si Nene dahil sa sinabi ni Hunter. Pinagpapawisan s'ya ng malagkit kahit nakabukas ang aircon sa loob. "S-sir, I'm sorry pero uuwi na ako." Tumalikod na si Nene ng biglang niya 'tong hinila at itinulak sa kama. "S-sir anong gagawin mo sa akin?" kinakabahan niyang tanong sa binata. "Wala naman akong gagawin sa'yo. Gusto ko lang sa'yo ipadama kung gaano kaliit ang sandata ko. Remember ng sinabihan mo ako na maliit at hindi masarap. Ngayon, after ng gagawin ko sa'yo sabihin mo sa akin kung maliit." "W-wala akong sinabi, S-sir Hunter. Wala akong matandaan, kaya please umalis kana diyan." "Talaga? Wala kang matandaan?" Bigla nalang 'to naghubad sa harapan n'ya kaya napasigaw si Nene. "Sir, magbihis ka na." Tanong ni Nene sabay takip ng dalawang kamay sa mata. "Look at my body and tell me, naliliitan ka n'to?" "May malaking ahas sir," sigaw Nene habang natatarantang isinuot ang boxer nito at mabilis na tumalon sa kama. "Nasaan ang ahas?" Humagalpak ng tawa si Nene dahil sa medyo namutla ang binata. "Ang sungit-sungit mo, ahas lang pala ang katapat mo." Natatawang saad ng dalaga. Aakmang lalapitan ng binata si Nene ng biglang bumukas ang pinto. "Nene nasaan ang ahas?" seryosong tanong ni Manang Caring. May bitbit si manang na itak. "Nene, nakita mo ba ang alagang ahas ni Sir Hunter?" Pilyang ngumiti si Nene kay Lira at Manang Caring. "Nahuli na po ni Sir Hunter. Sir Hunter nasa sayo na ang malaking ahas, right?" Mabilis nitong niyaya ang dalawa ngunit bago 'to lumabas bumilat pa 'to sa binata na sobrang kinainis ni Hunter.. "Bro where is the snake? It is true that there a snake here?" Inosenteng tanong ni Razel sa kaibigan. Pagkarating palang nina Heath at Razel sa gate ng bahay ni Hunter agad na sila sinalubong ng hardinero at pinaalam ang tungkol sa ahas. Humagalpak ulit ng tawa si Heath. "Don't you say, pinakita mo ang sandata mo sa kan'ya?" Tanong nito ng mapagtanto kung ano ang tinutukoy ng dalaga. Nakairap na hinagis ni Hunter ang unan sa kakambal. "Yes gusto ko lang naman patunayan sa kan'ya na hindi maliit 'to at gusto ko ipaalam sa kan'ya na wala pang babae na umaayaw sa akin. Lahat ng babae nagkakandarapa sa akin, pero siya puro kalokohan." "Seriously? Isang probensyana lang pala ang katapat mo, bro?" "Ang ibig niyong sabihin pinakita n'ya iyan?" nakangiting tanong ni Razel sa dalawa. "Exactly! Ang slow mo gago." Inis na saad ni Hunter. Puro kantyaw ang inabot ni Hunter sa dalawa habang si Nene ay hindi naman mapakali. Gusto n'ya na umuwi ngunit nahihiya naman s'ya kay Manang Caring at Lira na nagluto ng hapunan para sa kan'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD