Makalipas ang halos tatlong linggo nakauwi na din si Hunter sa kan'yang bahay.Naunang umuwi si Karina dahil hindi naman 'to gaano naapektuhan. "Ms. Alora thank you at pumayag ka na dito tumira sa bahay ng anak ko.Kung ako lang ang masusunod gusto ko sa bahay siya magpagaling,kaso iwan ko ba sa bata na 'to." "Mom,sino ang sinasabihan mo na bata?" "Of course,you! Look at your self para kang bata na kailangan ng yaya.Magaling kana d'ba." "Kath saan pa ba magmamana ang anak mo,siyempre sa tatay."Saad ni Ziandra. "Pero huwag mo kalimutan na may sweldo si Alora.Walang libre ngayon Hunter."Nakangising saad naman ni Ziena.Habang binubulatlat ang pitakang walang laman. "Kahit kailan Ziena,mukhang pera ka talaga."Kunyaring saway naman ni Jenny. "Ms. Alora hati tayo sa sweldo mo at kung sakali

