Sobra ang iyak nina na nanay at tatay sa kasal namin ni Matias. Kami-kami lang naman kasama ang isang ninong at ninang at pati na ang judge na magkakasal sa amin. “Hindi ako makapaniwala na ang batang ubod ng kulit lang dati ay kasal na ngayon. Binabati kita anak, Daria. Maging mabuti kang asawa kay Matias,” ang bilin ni nanay na alam ko naman na luha ng kaligayahan ang kanyang niluluha. Niyakap naman ako ni tatay ng sobrang higpit na para bang aalis ako samantalang kinasal lang naman ako. “Daria, akalain mo nga naman na mas nauna ka pang ikinasal kaysa sa ate Dea mo. Alam ko naman na mabuti kang anak kaya magiging mabuti ka rin na asawa kay Matias at sa mga magiging anak niyo,” ani naman ni tatay sa akin. Kung alam lang nina nanay at tatay. Kinasal na rin si ate sa isang estranghero

