CHEN
Pauwi na ako nang may masulyapan ako sa isang mart. Si Rae.
Ipinark ko ang kotse ko at kunwari'y bibili rin nang magkasalubong kami.
"Hi Pina."
Kunot noo itong tumingin sakin at di man lang ngumiti. Eh kelan ba ito ngumiti?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"Nagsiswimming. Feel ko kasi lumangoy kasama ng gulay, sardinas--- aray!" hampas nito sa braso ko. Kitam! Di na nahiya sa boss niya. "Cheret leng! Sinusund--- este bibili ng groceries."
"Ah, alis!"
Naglakad na siya papuntang counter at sadyang wala naman akong bibilhin kaya hinablot ko ang kung anong maabot ng kamay ko at sumunod sa kanya sa counter.
"Dami ng pinamili mo ah." pansin ko.
"Pake mo. Tsaka napkin? Bibili ka niyan?"
"Pake mo r--- aray! Eh sa meron ako eh." irap ko sa kanya.
"3000 lahat miss."
Magbabayad na sana siya kaso kulang ang pera niya.
"Ay isabay mo nalang yung napkin sa kanya miss, kanya talaga yan eh. Nahiya lang." sabi ko sa cashier at binayaran ang kulang niya.
"Ay, ang sweet naman ng boyfriend niyo miss."
"Boyfriend teh? Kaloka. Sa lipstick kong mas red pa sa dugo, boyfriend?!"
"Aba malay ko po. Eh sa bagay kayo." pambabara ng cashier.
"Eh sabi ko nga." bulong ko.
Naniningkit naman ang mga mata ni Rae habang papalabas at nang makalabas kami ay dun niya na ako inaway.
"Aray! Ba't mo binato yung napkin? Eh kakailanganin mo naman yan ah?!"
"Kainin mo mag-isa!"
"Uy! May utang ka pa saking bruha ka! Magbayad ka!"
Tinaliman naman niya ako ng tingin.
"Di mo ako madadala sa ganyan. Sige na umuwi ka na! Shooo! Wag mo ng bayaran wala ka namang utang na loob eh! Shoooo!" pagtataboy ko dito.
RAILE
"Pina, pinasok mo ba yang buong closet sa maleta mo ha? Tagal mong bumaba." dismayadong tanong ni bakla pagkababa ko sa lobby.
"Sa tingin mo magkakasya yun rito. May utak nga di naman ginagamit, duhhh." pambabara ko. "At sinabi ko bang sunduin mo ako?"
"HAHAHA! Ano ka ngayon? Hi! Rae---" tawang-tawa na sabi ni Archie.
"Ako lang tatawag sa kanya ng ganun Arsenio."
"Edi ikaw lang, hihi. To naman." biglang bawi ni Archie.
"Ay, isinama ko na pala sila. Para di ka mabore." sabi ni bakla.
"Ah, may isinama rin ako."
"Hi boss Chen!"
Napatingin naman kaming lahat sa kakarating lang, si Coco.
Nakibeso siya kay bakla at mangha namang napatingin sa apat na bakla na nakaupo sa sofa.
"Kasama ko pal---"
"Ay ampogi!" tili ni Coco.
"Maghunos dili ka gurl!" nangingisay na sabi ni Archie.
"Eew! Magpapasurgery na talaga ako." namamaypay pang turan ni Pat.
"Sa ganitong pulang lipstick?!! Duhhh, mabubuka muna ang lupa." irap ni Deo.
Napatingin naman lahat kay Benj na di nagreact.
"Tulog ang gaga, pumarty pa kasi kagabi." sabi ni Pat at bigla itong ginising.
"Ay, mga beki pala. Pero pogi!" bulong ni Coco.
"Abg dami niyo pang hanash tara na nga." sabat ni baklang Chen at saka sumakay sa van.
Kanya-kanya namang puwesto kami.
Ganito ang arrangement...
Driver-Baklang Chen
Ako-Coco
Archie-Benj
Deo-Pat
Limang oras ang biyahe kaya kanya-kanya pampalipas oras ang ginawa namin.
Si Baklang Chen natulog, si Coco naman aliw na aliw magstolen, ako naglilibang sa dinadaanan namin, si Archie pumapapak ng banana chips, si Benj pinagpatuloy ang pagtulog, samantalang nagsasabunutan naman si Pat at Deo sa di malamang dahilan.
Umidlip muna ako dahil wala rin naman akong gagawin...
---
Napadilat ako nang maramdaman ang pagpreno ng van. Meaning andito na kami.
Bumaba naman na ang lahat dala-dala ang bag, dahil overnight lang naman talaga ang magaganap.
"Benj, Pat at Deo, ipagcheck-in mo narin kami ng hotel. Archie, sumama ka samin sa resort. At wag kayong lalakwatsa, pepektusan ko kayo."
"Copy." walang ganang sagot ng mga bakla.
Pumunta na kaming apat sa resort, kinausap ang mga construction workers, nag-inspection ng kaonti, sinabayan silang kumain, linista kung ano pang kulang na mga kagamitan, tumulong-tulong at madami pa.
"Napasubok ang beauty ko dun ah, pagoda na ako." sabi ni Archie at pinunasan ang pawis.
"Akala ko konti lang ang trabaho, dami pala." sabi naman ni Coco at tumabi kay Archie at isinandal ang ulo sa balikat nito.
"Uy gurl, wag ako okay. Allergic ako sa merlat, shooo!" pagpapaalis ni Archie at inalis ang pagkakasandal ni Coco.
"Kasi naman ih! Pagod ako pahiram nga ng balikat mo!"
"Eh kung detachable lang 'to baka binigay ko na sa'yo. Di kaya ng nerves ko, tara nga!" tumayo si Archie dahilan para tumama ang ulo ni Coco sa upuan.
Tumayo nalang rin si Coco.
"Pagabi na, tara na sa hotel. May imemeet pa kaming client rin ni Pin--- este ni Rae." yaya naman ni bakla at nauna nang maglakad.
"Kainis yang baklang yan, nakooo pag ako di makapagtimpi magkukulay tanso yang gintong buhok niya nakonako." bulong ni Coco.
"Crush mo 'no?" tanong ko. Dahan-dahan naman siyang tumango. "Asus, ikailan na ba?"
"Iba siya eh!" depensa nito.
"Kasi bakla siya? Palusot mo bruha."
"Uso sabi support, try mo kaya."
"Pati rin kalandian? Daming umuuso ngayon ah."
"Nung umulan ng kapilosopohan nagsiswimming ka, basang-basa."
"Eg nung umulan ng kalandian nasa'n ka?"
"Tulog."
"Ah, kaya pala napuruhan."
"Bakit ba?"
"Butas bubong niyo eh. Hahaha."
"Nako Raile!"
Nagsimula na akong maglakas papunta sa hotel, sumunod naman si Coco.
Naligo ako at nagbihis ng formal attire. May bagong investor ang resort na itinatayo namin at imemeet yun ni baklang Chen kaya isasama niya ako, back-up daw.
"Magparoom service ka nalang." paalam ko kay Coco. Tumango lang ito at ibinalik ang atensyon sa TV.
Nakarating ako sa lobby at nandoon na nga si baklang Chen.
"Mabuti naman at nagformal attire ka."
"Palagi naman."
"Eh baka magsweat shirt ka."
"Eh pake mo dun. Di bagay sa'yo yung suit."
"Nangangati na nga rin ako. Pero keri lang, kalahi ko daw investor ngayon, ay mali. Anak pala yun."
"Tara na."
Nauna na akong maglakad dahil wala atang balak mauna ang bakla.
Nakarating kami sa restaurant na pinareserve ni bakla at tinungo ang VIP section.
Naupo kami at hinintay ang papasok.
"Wag kang mag-aalala ako nalang kakausap."
"Eh ba't mo ba ako pinapunta dito?"
"Para may kasama akong umuwi."
"Sana nagpasama ka nalang sa mga kaibigan mong bakla."
"Nahiya naman ako sa katrabho ko."
"Eh san---"
"Uy, ayan na pala siya--- good evening Mr. Austria!"
Nanigas naman ako sa narinig ko at sinundan ang tingin ni bakla.
"Hi Mister or Miss Aus--- aray! Ra--- asdfghjkllkjhdhjjafskh" nagulat siya ng bigla ko siyang kurutin at tinakpan ng unan sa mukha.
"Bakit mo ba ako dinala dito?" naniningkit ang mata kong bulong sa kanya.
"Uhm may problema ba?" mahinahong sabi nito.
"Uhm... Ah. Wala Mist--- mis---"
"Call me Dylan. Hahaha, wag Miss di pa naman ako nagiging babae hahaha."
Di ako nakilala. Eh paano naman ako makikilala? Act normal, Raile.
"Have a seat." umupo siya sa katabing upuan ni baklang Chen at nagsimula na silang mag-usap.
Papatayin ko talaga 'tong bakla--- teka dalawa sila... Edi pagsabayin. Argh, malas talaga ang bakla sa buhay ko kainis.