RAILE
Naabutan kong nagkakagulo ang mga kasamahan ko pero di ko lang ito pinansin. Sa apat na taon ko sa kompanyang ito, alam kong kilala na nila ako bilang di nagbibigay-pake sa mga bagay na di dapat pinagtutuunan ng pansin. I have my reasons at mabuting di na nila inaalam yun.
"Ms. Saavedra, may meeting po pala kayong lahat ng heads sa bawat department."
"Okay." sagot ko dito without even looking. Busy ako sa pagpeprepare ng presentation para sa bagong project ng kompanya.
I'm stuck with work and I don't mind giving my time to unworthy things.
Matapos ang ilang oras ng paghahanda para sa presentation ay pumunta na ako sa conference room at umupo sa aking upuan.
"Balita ko ang bagong supervisor daw ito ng lahat ng heads." bulong sakin ni Coco, head ng isang department at ang pinakanagtitiis sa ka-hard-an ko.
"I don't care. I have works to do." walang gana kong sabi at napatingin sa malayo.
"Guwapo daw tsaka mabait. May new crush na naman ako."
"So di na last si Zywon?" pambubuking ko dito.
"Tumahimik ka nga diyan. Suportahan mo nalang itong new supervisor natin. Asan na ba kasi yun..."
"They won't increase my salary if I'll do that." irap ko dito. Nakatanggap naman ako ng hampas sa braso at tiningnan siyang atat na atat mameet ang aming bagong supervisor.
"Ayaaan na!" masayang sabi ni Coco at nagsitayuan kaming lahat. A man dressed in a formal manner with a cold expression, throw glances at his employees.
"I'm Lander Aguilar. Nice to meet you." mariing sabi nito at umupo.
"Ang cold ah, bagay kayo." pansin ni Coco.
"I hate you." sagot ko dito.
Nagpakilala kami isa isa at nagdiscuss ng ilang mga gagawin sa company, mga gusto at ayaw niya at marami pang iba na tumagal ng tatlong oras.
"Ang guwapo niya talaga." pqgdedaydream na sabi ni Coco.
"I'm going back." paalam ko dito sabay alis.
"Uy, patulan mo naman pagdedaydream ko. Che!" rinig kong sabi niya.
Coco is my closest colleague here, and nothing more. At least, I have someone to talked to here in work.
"Ms. Raile! Ms. Raile!" pasigaw na salubong sakin ni Yesha.
"What?"
"Remember the meeting with Madrigals?"
"Oh." napatingin ako sa relo ko. 12:15, may 15 minutes pa ako. If I'll eat lunch, malelate ako so nevermind. "Okay, I'll go. Text me the meeting place."
Nagmadali akong pumunta sa parking lot at pinaandar ang kotse ko. Napapreno ako nang mapansing nakared light na pala. Ang tagal naman.
12:20 PM
Nagulat ako nang may sumakay na lalaki sa likod ng kotse ko.
"Manong sa Fico's nga po." sabi nito nang hindi tumitingin sa direksyon ko.
Sesermonan ko pa sana ito nang makitang green na ang ilaw sa traffic light kaya pinaandar ko muna ang kotse. Mukhang wala namang pake ang lalaking pinagkamalang taxi ang kotse ko.
Itinabi ko muna ito at hinanda ang sarili ko sa panenermon sa kanya.
"Manong, malayo pa yung Fic--- ikaw?"
"Hoy ikaw na gunggong kang wal--- ikaw?"
Sabay naming sabi. Akalain mo nga naman yung lasenggo pala 'to.
"Hoy lalaking---"
"Eew!"
Napataas ang kilay ko dito.
"Bakla?"tanong ko dito.
Inirapan naman ako nito. Kaya di ko mapigilang di humalakhak.
"Huminto ka na nga diyan sa kakatawa mo, may hi---"
"Labas!" sigaw ko dito na walang halong emosyon.
"Ay bipolar. Sige na---"
"Labas sabi eh."
"Sorry na aka---"
"Labas! Isa!"
"Akala ko taxi kasi puti tapos---"
"'Pag di ka lumabas kakaladkarin kita." banta ko dito.
Natakot naman 'ata ito at agad na lumabas. Kaya pinaandar ko na ang kotse ko at nagmamadaling tinungo ang itinext na pangalan ng restaurant ni Yesha.
12:35 PM
Sana di pa yun umalis. Pumunta ako sa VIP section ng restaurant at agad na hinanap ang room na pinili ng investor namin.
"Sir I want to apologize for being late. Plea--- bakit nandyan ka?"
"Hoy, ikaw ang dapat kong tanungin no? Sinusundan mo ba ako?"
"Ako? Umalis ka nga---"
Napahinto ako nang may marealize.
"Pagkatapos mo akong iwanan dun at---"
"Anong pangalan mo?" bigla kong tanong.
"Ilang beses na tayong nagkita tapos ngayon ka palang magtatanong?"
"I don't care. Who the heck are you?"
"Chunder Tobias Suarez Madrigal, don't ever call me Chunder or else tatadyakan kita sa puson. Call me, Chen. Half Filipino, Half Filipina. Pure ganda. 50% Lalaki, 50% Babae, 100% Dugong Berde."
Napaface-palm nalang ako. So siya pala.
"Teka, first day of classes ba ngayon na kailangan may introduce yourself?" tanong nito. Di ko nalang ito pinansin at umupo sa harap niya at inilabas ang laptop ko.
"Here is the budget for the new project of Humpher Co...." panimula ko.
"Tek--- oh." gulat niyang sabi. "So you're Ms. Saavedra, I like it. We'll invest."
"Pero Sir, the presentation is not done yet." sabi ko dito nang hindi ito tinitingnan.
"Nah, I don't need that. Ikaw lang sapat na."
Napatahimik ako. Bakla yan Raile wag mong papatulan.
"So Ms. Saavedra, I'm your new boss nga pala." sabi nito sabay lahad ng kamay. Napataas naman ang isa kong kilay sa sinabi nito. "Di ba nila sinabi sa'yo? That new project, I mean that Humpher Resort project will be handle by me and you'll be my assistant, so okay ba yun?"
Nagulat ako pero di ko pinahalata. Madrigals are known for their skills when it comes to organizing and designing. Kaya naman yung kompanya namin eh sila ang pinili para sa bago naman nitong proyekto.
"I'm not the one in charge for that, Sir." buong galang kong sagot dito.
"Nah, ako bahala sa'yo."
"I apologize Sir but---"
"No." madiing sabi nito. "Or else I will not sign the agreement."
Tumahimik nalang ako at iniligpit ang gamit ko.
"Let's have lunch?" aya niya sakin.
"Sir, I have tons of work to do. I'll excuse myself. Thank you for the approval." pormal kong sabi at nilisan ang silid na iyon.
Ang dami kong nalaman ngayon...
Na yung lasenggong yun eh mayaman pala...
Na yung gunggong na yun eh boss ko pala...
Na yung lalaking yun eh bakla pala...
Bakit na naman? May magnet ba ako sa mga bakla?