Finally tapos na kami sa araw na toh. Nakita ko si Tyron na kakapasok pa lang sa studio. Binati siya ng mga tao doon. Damn. Bakit ba ang sexy niya pag nakasuit? As in ang gwapo niya. Bagay na bagay sa kanya yung buhok niya. Hindi ako makapaniwalang asawa ko siya tuwing napapatitig ako sa kanya. "Gianne, gusto mo?" tanong ni Erick saka binigay sa akin ang hawak hawak niyang juice. I smiled at him. "Thank you." Umupo siya sa tabi ko. "Nakakapagod pala ang umupo lang buong araw noh?" natatawa niyang wika. "Oo nga eh. Mas gugustuhin ko na lang rumampa kesa umupo lang." "I know right." Sasagot pa sana ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Tyron. Nasa harap ko na pala siya. Mabilis akong tumayo at luma

