Hindi na sumama si Tyron sa loob. Ayoko din naman kasi siyang isama talaga dahil siguradong parehas kaming hindi makakalabas ng bahay oras na malaman ni daddy ang tungkol dito. Buti na lang at naiintindihan niya. "Mom, are you invited sa fashion show ng pinch?" tanong ko ng kumakain na kami. Nakita ko ang gulat sa mukha ni mommy sa tanong ko. Ang alam niya kasi ay wala akong hilig sa fashion shows o pagmo-model. I know nalungkot siya nun dahil ako lang ang babae niyang anak tapos hindi ko pa nahiligan ang hilig niya noong kabataan niya. "Yes. They sent me an invitation. Pupunta kami ng daddy mo. Why?" Napangiti ako. "So manunuod kayo?" "Syempre. Wala naman akong pinapalampas basta pinch. Bakit ba?"

