Yakap yakap ako ni Rebecca habang nagme-meeting kami. She's so clingy talaga. Daig niya pa si Tyron. Inis na inis na nga si Tyron dahil hindi siya makalapit sa akin. Nakakatawa. "Our first photoshoot will be on Palawan." ani Ms. Goergina. "Yan na ang napag-usapan namin. Wala naman sigurong kaso sa inyo yun." Narinig kong tumikhim si Tyron. "Makakasama ba ang asawa ko?" "Of course." natatawa nitong sagot. "Then I'll come with you." "Cedrick, hindi namin papabayaan ang asawa mo. We will take care of her. Pagkatiwalaan mo naman kahit konti." biro ni Ms. Chandria. "May tiwala naman ako sa asawa ko pero wala akong tiwala sa ibang lalaki." prente nitong wika. Napayuko na lang ako. Nahihiya tala

