Magkayakap kami ni mommy sa hospital bed. Gusto niya kasi daw akong makatabi sa higaan kaya kahit ayoko kasi ang awkward, wala na akong choice. Hindi naman na nagsalita si daddy. He just stood there, looking at us. Nagbihis muna ako syempre. Hiniram ko na lang muna ang mga damit ni mommy dahil tutal halos magka-katawan lang naman kami. Amoy alak kasi ako. "I miss you so much, princess. Wag ka na umalis ulit okey?" malambing na wika ni mommy. Tsk. Hindi ako sanay pero aaminin ko na-miss ko yung ganito. Yung tulad noong bata pa ako na lagi niya akong tinatabihan sa kama ko tuwing hindi ako makatulog. "Of course. Hindi na ako aalis." I assured her. "Saan ka ba tumira noong nawala ka?" I sighed. Naalala ko na naman si Tyron. s**t.

