"Let's meet, Gianne. I wanted to talk to you about something." ani Gio habang kausap ko siya sa telepono. I just want to breath reality bago pa ako unti-unting sakupin ng paniniwala kong pwede pa. Na baka mahalin pa ako ni Tyron kahit hindi ako si Siara. "What is it about? Hindi ako pwedeng umalis na lang bigla dito sa trabaho ko, Gio." wika ko. Narinig ko ang malakas na paghinga niya sa kabilang linya. "Si mommy.... Inatake siya sa puso, Gianne. Noong isang araw lang yun and we're dead worried sa kanya dahil hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon. Nung huling beses na nagising siya, ikaw lang ang lagi niyang hinahanap. Dad told us na wag sabihin sayo. Galit na galit si daddy to the poiny na ayaw ka na niyang makita. Ikaw ang sinisisi niya... Pero w

