PROLOGUE

482 Words
Abala si Hermes sa pagsasalansan ng mga kahoy na gagamitin bilang pangluto nila. Namuhay sila ng simple ng kanyang mag-iina na si Rebeka at ang kanyang tatlong kambal pagkatapos sila paalisin sa womanland ng Reyna ng malaman nito na lalaki ang naging anak nila ni Rebeka na hindi pinahihintulutan sa teretoryo ng Reyna. Gayunpaman,hinayaan sila ng Reyna na mamuhay malayo sa womanland hanggang sa sumulpot si Prinsesa Roisa na siya alam niyang may kinalaman sa pagkadiskubre ng kanilang lihim. "Magandang gabi,mahal kong Hermes," pagsulpot ni Prinsesa Roisa ng gabing iyun. Nasa likod-bahay lamang siya at kasulukuyan namamahinga na ang kanyang mag-iina. Agad na naikuyom niya ang mga palad. Mapang-akit na lumapit ito sa kanya at yumapos sa kanyang leeg. "Labis ko ng pinangungulilaan na makapiling ka,Hermes," anito sa mapang-akit na boses. Napatiim-bagang siya at matigas ang anyo na inalis niya ang mga braso nito sa leegan niya. "Isa kang traydor,Prinsesa Roisa," mariin niyang saad rito. "Hayaan mo na kami,nangyari na ang gusto mong mangyari ang palayasin ang sarili mong kapatid sa palasyo niyo," matigas niyang saad. Nawala ang pagiging maamo nitong anyo at napalitan iyun ng bagsik at poot. "Hindi ako makakapayag na maging masaya kayo ni Rebeka habang ako nagdurusa dahil mas pinili mo siya kaysa sakin!" asik nito sa kanya ng puno ng galit. "Mas una ko siya minahal,Prinsesa Roisa at siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli," puno ng paninindigan niyang saad na lalo kinabagsik nito. "Ginamit mo lang ako para makalapit ka kay Rebeka!" puno ng poot nitong saad sa kanya. "Patawarin mo ako sa bagay na yan,Prinsesa Roisa...pero ang tadhana na ang gumawa ng paraan para makasama ko ang babae na siya naman talaga minahal ko at gusto ko makasama habam-buhay," tugon niya rito. Nanlisik ang mga mata nito sa kanya. "Minahal kita,Hermes! Minahal kita higit pa sa buhay ko!" angil nito sa kanya. "Pero si Rebeka ang mahal ko,Prinsesa Roisa," mariin niyang tugon rito. "Kung ganun,hanggang sa kamatayan dalhin mo yang pagmamahal mo sa kaniya!" Mabilis ang kilos nito na hindi niya agad napaghandaan. Namanhid ang buo niyang katawan at napaawang ang kanyang bibig ng makita ang nakatarak na kulay silver na maliit na kutsilyo sa kanyang dibdib. "Hermes!!!" malakas na pagtawag sa kanya ng kanyang kabiyak na si Rebeka. "Hindi! Hermes!"lumuluhang niyakap siya nito. Unti-unti siyang nahihirapan huminga hindi siya bampira pero ang nakatarak sa kanya ay kaya siyang patayin. " R-Rebeka..m-mahal na mahal kita,k-kayo ng mga a-anak natin,"nahihirapan na niyang usal. "Hindi,huwag..huwag mo kaming iiwan!" lumuluhang pagsusumamo ng asawa sa kanya. Nakangiti na hinaplos niya ang maganda mukha ng asawa. "M-mahal na m-mahal kita,Mahal kong Rebeka," ang huling salita na binitawan niya ng tuluyan magdilim ang paligid niya. "Hermes!!!" puno ng hinagpis na sambit ni Rebeka ng tuluyan lagutan ng hininga ang pinakamamahal niyang si Hermes. "Mga taksil..." puno ng puot na saad ni Prinsesa Roisa habang nakamasid lang sa pagdadalamhati ng kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD