TWO

582 Words
"Woah! Kung naging lalaki lang ako talagang maiinlove ako sayo,you are so stunning,Sabina!" manghang-mangha saad ng roommate niya na bespren din niyang si Wendy. Ito ang nag-ayos sa kanya na ayon sa gusto niya. Napatitig siya sa full-length mirror habang nasa harapan siya niyun. Suot niya ang longsleeves Navy blue lacy dress na hanggang tuhod. Bumagay sa kaputian niya ang kulay ng dress niya. Naalala niya ang sinabi ng boss niya si Sir Aquill na sinamahan siya mamili ng isusuot niya sa isang kilalang mall. "Navy blue o blue ang piliin mo kulay terno sa kulay na susuotin ko,alright?"anito. " Kailangan po ba terno tayo ng kulay?" Ngumisi ito. "Oo naman,bukod sa paborito kong kulay iyun at gumagwapo ako sa kulay na yun kailangan couple din ang kulay natin since you are my escort for that event," anito. Napangiti siya. Playful ang boss niya at friendly kaya madali naging komportable siya rito. Akala niya noon isnabero ito o seryoso since napakaintimidating ng kagwapuhan nito pero namangha siya ng ngitian siya nito at taLaga naman nakakamangha iyun dahil mas gumagwapo ito sa paningin niya. Agad na winaksi niya ang biglang pag-usbong ng kung ano mainit na damdamin para sa boss niya. No,she can't! "Siguradong maiinlab sayo ang boss mo!" Napukaw nun ang atensyon niya sa sinabi ng kaibigan. "Nah,he's my boss saka..ahm,mataas ang standard ng babae ang gusto nun kaya nga wala pa siyang nobya o nililigawan man lang," aniya. Alam niya yun sa tatlo taon na pagtatrabaho niya rito hindi man lang ito nainvolve na sa kahit kanino babae. Pihikan ang boss niya sa babae! Ngumisi si Wendy sa kanya. "Pero alam kong crush mo siya!" Napasimangot siya. Aminado siya dun pero alam niya kung saan siya sa lulugar. Isang malakas na busina ang kumuha ng atensyon nila. "Oh,nadyan na si Sir Handsome!"mas excited pa ito sa kanya na makita ang binatang boss niya. Humugot muna siya ng hangin bago dahan-dahan iyun pinakawalan. Hindi ito ang unang beses na inanyayahan siya ng boss niya na sumama rito sa mga event na pili lang na daluhan nito pero palagi siya kinakabahan,well,dahil yun lang ang pagkakataon na nakakapagsuot siya ng magarang damit maliban sa mumurahin niyang uniporme. Agad na nasilayan niya ito nakapamulsa ito habang nakasandal sa pintuan ng passenger seat. He's so handsome on his navy blue three piece suit! Agad na sumikdo ang puso niya ng ngitian siya nito. Agad na kinalma niya ang sarili. Relax,Sabina! Hindi ka pa ba nasanay sa kagwapuhan ng boss mo! asik niya sa sarili. "Woah,muntik na kita hindi makilala ah!" mangha nitong sabi sa kanya husto pagkalapit niya rito. Dinaan niya sa paghalukipkip ang kilig na bigla umusbong sa kanya. "Mukha na po ba akong tao ngayon?" aniya. Tumawa ito sa paraan na maaakit ka. "You always beautiful,Sabina..simple yet but beautiful," matiim nitong saad. Tila huminto sa pagtibok ang puso niya sa deretsahan papuri ng boss niya sa kanya. Tumikhim siya para hamigin ang sarili. "Ahm,we should go,now,Sir.." "Yeah,right," anito at pinagbuksan siya ng pintuan. "Thank you,Sir.." mahina niyang saad. "Anything for you,Sabina," tugon nito. Saka lang niya natanto na pigil-pigil pala niya ang hininga ng makaupo siya sa passenger seat. "Ready?" agad nito baling sa kanya ng makasakay na ito. "Of course,Sir..may sahod kaya itong pagsama ko sa inyo," aniya sa kalmanteng tugon. He chuckled and she's always find it sexy when he did that. "Yeah,rigth,"nakangisi nitong saad bago nito pinausad ang sport car nito. Lihim siya napangiti. He so very amazing boss for her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD