Nalulula siya sa dami ng pinamili nila ng binata at halos lahat ay para lang sa kanya. Napabuntong-hininga siya. "Iniispoiled mo ako masyado,Sir.." aniya habang magkaharap sila naghahapunan sa isang resto. Ngumisi ito at tinapat sa bibig niya ang tinusok nitong gulay mula sa plato nito gamit ang tinidor. Napailing na lang siya kakasabi lang niya na masyado siya nito iniispoiled eh,pero natutuwa siya sa ganun gesture ng kasintahan. Alam niyang sweet ang kasintahan noon pa lang na mag-amo pa lang ang status nila pero mas o pinaka na ang pagkakasweet nito ngayon naging magkasintahan sila. May pagkakataon na maloko at makulit ito na lalong nagpapalalim sa pagmamahal niya para rito. "Kung wala lang mga tao rito baka kanina pa kita dinamba at hinalikan," pukaw nito sa kanya. Hindi niya namalay

