Womanland Sa bawat segundo na lumilipas lalo himihigpit ang pagkakahawak ni Prinsesa Rebeka sa maliit na patalim na siyang mismo ginamit ng kapatid sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang asawa na si Hermes. Matalim ang mga mata na pinakatitigan niya ang natutulog na nakakatandang kapatid sa malapad nitong kama. Walang kakilos-kilos na nakatayo siya paanan ng kama nito. Nagagawa pa nitong matulog ng mahimbing sa kabila ng pagsira nito sa pamilya niya at sa pagpatay nito. Nasaan ang konsenya ng kapatid?! Bakit nagagawa pa niya matulog ng ganitong kahimbing?! Umagos ang mga luha niya ng manumbalik ang alaala ng nakaraan. Napopoot siya sa galit para sa kapatid. Humakbang ang isa niyang paa pero bago pa man siya makalapit rito ng tuluyan gumalaw ito at nagmulat ng mga mata pero mabilis pa

