Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi habang panay ang sulyap niya sa dalaga na kimi naman kumakain sa harapan niya. Nagmumukha na nga siyang tanga pero wala siyang pake dahil gusto niya ipakita sa dalaga na masaya siya na inamin na niya rito ang tunay na damdamin niya para rito. Damn,hindi niya inaasahan na mapapabilis. Balak pa naman niya sa mga susunod pang dates nila pero naging prangka na ang dalaga sa kanya kaya bakit pa ba niya patatagalin pa. Muli siya napangiti sa sarili. "Buti ka pa nakakangiti.."kimi nitong saad. He chuckled. Dinampot niya ang wineglass na may pulang likido. A blood from the wild animals na siya mismong naghahunt sa mga kagubatan. Iyun ang binigay niya sa waiter na magsiserve ng inumin nila para sa kanya. " I'm just happy,Sabina..nakahinga na ko ng ma

