Chapter 9: One team, One dreame

2331 Words
Jadie's POV “Bhes! I see crush waiting in the kanto!” “Really? But wait, Bhes, you have tinga on your teeth. It’s so nakakahiya... But don't you worry! Use magic tooth pick para goodbye tinga, alis-alis!” “Sa magic tooth pick, mapapa-wow ka sa magic!” Rinig ko mula sa maingay na radyo ang nakakairitang boses ng mga kereng babae sa isang advertisement, pero astig ah… May magic sa tooth pick! Ma-try nga rin ‘yan. Hahaha! Habang nakapikit pa rin, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at ang mabango pero bakit matigas 'tong unan ko ngayon? Kinapa ko ito at niyakap nang bigla naman itong umungol. "Ugh," impit nitong ungol. s**t! May unan bang umuungol? Wala naman ‘di ba? Eh, sino naman kaya 'to? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata habang pinakikiramdaman ang paligid ko. "Kyaaahhh! m******s kang hinayupak ka!" napasigaw ako nang makita ko kung sino ang kayakap ko at saka ito binatukan . "Aray… Napakaharas mo naman. Ikaw nga 'tong maghapong nakayakap sa 'kin eh. Aminin mo mabango ako 'no?" Aba't nagpapakyut pa ang animal. Letse! Ang kapal ng mukha, kasing kapal ng sabuging kilay niya. Hay naku… Imbis na mapakagpahinga ay mas lalo lang akong ini-stress nang isang ‘to. Lord, kailan ba talaga magkakaroon ng kapayapaan sa buong mundo? Kapag kasi tumitingin ako sa mukha niya o naririnig ang kaniyang boses ay parang magkakaroon ng digmaan. Sirang sira na ang buhay ko. Joke lang! Inilibot ko ang paningin ko pero nandito pa rin pala ako sa tent. Umasa pa naman akong dadalhin nila ako sa ospital eh. Sayang naman, e ‘di sana ay napagastos o nag-alala man lang silang lahat para sa akin. In short, yanig ang buong team! 'Tandaan mo Jadie, hindi tayo mayaman,' isip-isip kong pagkausap sa aking sarili. Sabi ko nga, ‘yon nga ‘yon! "M-Maghapon?" nauutal at nanlalaki ang mga matang tanong ko kay Gian. Tumango lang naman ito bilang sagot habang kinukuskos pa rin ang ulo niya, napalakas ‘ata ang pagkakabatok ko dito. Pero hayaan niyo na, nang makaganti naman ako sa gagong unggoy na ‘to! "Eh, bakit hindi na masakit ang puson ko?" tanong ko ulit pero ang loko nginisihan lang ako. This is what I hate! Ang sarap lang talagang ingudngod ang nguso niya sa sahig. Nanggigigil na ako sa lagay na ‘to, ah? Don’t try me! "Nagpatulong ako kila Sir Jim para gamutin ka dito. Ang sabi nila ay baka may urinary track infection ka daw. Asa ka namang may dysmenorrhea ka!" Si Sir Jim ‘yung exclusive nurse pala namin dito pero wala akong sinabi na pwede akong sermonan nitong unggoy na 'to. Kapal ng mukha. Akala mo kung sinong worldwide hero na lumigtas sa akin mula sa panganib! Hayop lang rin naman na adik sa saging. Pagkatpos niya sabihin ‘yon ay bumalik na ito sa pagkakahiga nang patagilid sa kutson namin dito sa tent at marahang tinapik ang bakanteng espasyo nang nakangising aso. Kaya ayoko talagang makasama ito eh, ang lakas ng apog! Kasarap itapon sa mars! "Mukha ka ngang si Sleeping Beauty kanina eh, kaya halika na aking prinsesa ituloy na natin ang ating pagbabaybay sa ating magandang kaharian," sambit nito sa nang-aakit na tono. Yucks! So, ibig sabihin nawalan nga ako ng malay kanina? Naku po, mukhang naulit na naman ‘yung nangyari noong nakaraang buwan. Feeling ko tuloy, may malala na akong sakit na pasikreto akong kinikitil. Jusko, marami pa akong pangarap sa buhay ko! Para na akong kamatis sa kapulahan ng mukha dahil sa hiya nang ma-realize ko ang lahat. How could he say that infront of me? May hiya pa ba siya sa sarili niya? Kung wala na eh, mahiya naman siya sa mga ipinagsasabi niya sa akin. Hindi naman ako papaya na maging prinsipe siya, ‘no? At saka prinsesa ang gusto ko! "C-Che! Ukinnam dugyot!" (C-Che! Putang ina mo dugyot!) Alam kong naintindihan niya ‘yon dahil ilokano rin siya, hindi ko nga lang alam kung taga saan siya banda sa Isabela. Pero wala ako pakialam doon. Ang mas mabuti pa ay iiwasan ko na lang siya at ngayon din! Mabilis akong lumabas ng tent ngunit gano'n na lamang ako napahinto pagkalabas ko dito. Parang nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa aking nakikita ngayon. Ang sagutan namin ni Gian ay isa nang kahihiyan sa akin ngayon! Good luck na lang sayo self! "Rule number 2! Gawing matahimik ang gabi sa pagtulog, in short rest in peace!" Si Sir Bogart o mas kilala bilang Dennis Bogart. Siya ang commanding officer namin simula pa kahapon. Lagot, patay kang bata ka! Shemay, nakakatakot! Madilim na ang paligid kaya hindi ko na sila maaninag ng maayos. Oo, sila dahil lahat ng tao dito sa camping site na 'to ay nasa harapan ko ngayon mismo. Para nga silang zombie eh, sabog na sabog ang buhok na parang lantang gulay. Naparito pa talaga sila para lang masaksihan ang pagkakapahiya ko o sadyang mga chismoso’t chismosa lang sila? 'Zombie apocalypse? Tatakbo na ba ako?' pagkausap ko sa mga mukhang multo na nasa harap ko sa aking isipan. Talented ako na, ‘no? May mga ganito ba ako abilidad! "H-Huh?" tanging sagot ko na lang. Hindi pa rin kasi maproseso ng utak ko ‘yung sinabi niya. ‘Yung totoo, pulis ba talaga 'to o barangay tanod lang? "And that's a detention, Captain Argiel!" Parang sasabog ang puso ko dahil sa malakas nitong pagkabog sa isinigaw niya sa mukha ko. Hoo! Ang baho ng hininga! 'Lakas maka merlion, Sir? Singapore lang? Talsik laway, ah?' isip-isip ko habang nagpupunas ng mukha at umalis na nga ang lahat. Naku, binigyan niya 'ko ng RED CARD! KINABUKASAN Fantastic baby dance oh, oh... I wanna dance dance dance da dance Napabalikwas ako ng bango dahil sa malakas sa alarm ni Sara. Oo, tama kayo, nakitulog ako dito sa tent nila ni Leo kagabi. Ang lungkot nga lang eh, pauwiin ba naman ako sa training camp dahil lang doon sa nangyari kagabi. Iniisip ko tuloy kung mukha na ba akong terorista at baka mahanap ko ‘yung mga katribo dito sa bundok para paalisin? Bwisit na Bogart! Matuluyan na sanang kalbuhin ‘yung panot niyang ulo! Nakakainis! Bakit pa kasi siya sumama dito? Hindi ko nga alam kung sadyang mahigpit lang talaga si Sir Bogart o sadyang over acting lang? ‘Tang ina naman, oh! Ako ‘yung leader, pero ako ang papauwiin dahil sa lintik na red card na ‘yan. Bwisit kasi ‘yung animal na Gian. Ang sarap ibaon sa lupa nang buhay! Grrr... galit na 'ko niyan, ah? "Astig ng alarm mo ‘insan, ah? Nakaka-good vibes sa good morning ko, haha!" Si Leo na nakahiga't nakatalukbong pa rin ng kumot niya. Isa ring abnormal ‘to eh! Akala ko pa naman bumangon na. At umusisa naman 'tong expert at kalog niyang pinsan. Ang ingay na naman nang umagayong ‘to! Kung sabagay ay wala naman akong choice dahil nandito nga ako sa tent nila. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil pumayag ang dalawang ‘to na dito muna ako makitulog, kahit na super siksikan na. Pwea, may kasalanan si si Leo sa part na ‘to, ‘no? Bakit kasi ang laki-laki ng katawan niya? Kaya ‘wag ako! "True! Mas tunay pa sa fake na katulad mo, ‘insan. Alam mo, parang ako lang yan eh, nakaka-good vibes dahil sa taglay kong kagandahan!" Ewan ko pero biglang humangin talaga ng malakas dito eh. See? Magpinsan nga talaga sila! 'Eh, no'ng una nga kitang makita akala ko cactus ka! Walang hiyang ‘to!' Nakisawsaw ako sa kanila sa isip ko. Nakakasuka rin eh! Madilim pa dahil alas kwarto pa lang ng umaga pero 'tong dalawang ‘to, parang mga palaka sa gabi kung mag-ingay. Gusto ‘ata nilang sumama sa 'kin? Kung ako sainyon ay magbe-behave na ako upang hindi mapaalis. Naalala ko tuloy no’ng nasa elementary pa ako. Lagi kasi akong most behae dati eh, ‘tapos ngayon ito? Baka naawa lang ‘yung teacher namin noon sa akin, kaya niya ako binigyan ng pekeng award. Nakaka-frustrate naman. Sayang saya pa naman that time sina Mama at Papa sa akin habang umaakyat sa stage. To be honest, naiiyak ako ngayon pero ‘di ba nga? Kailangan nating magpakatatag para sa sarili, para sa mga magulang ko at para sa ekonomiya! Oh, hindi ako selfish, kaya kasali rin kayo sa pag-unlad ko. 'Wow, ah? Ang lakas kong makapresidente ng pilipinas doon,' pagbibiro ko pa sa isip ko kahit na ganito ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na lang sila pinansin pa at nag-ayos na ako ng mga gamit ko. Ayoko din naman sanang umalis kaso desisyon naman nilang palayasin ako. Mabuti sana kung meron si Sir Aldon ngayon dito at magagawan pa sana ng paraan, kaso umuwi din pala siya kagabi dahil may family emergency daw ito. Akala ko ba galit sa nga ito at nag-solo na lang siya? Hay naku, ewan ko. Kalasalanan 'to lahat nang Gian na ‘yon eh. Pigang piga na ako sa unggoy na ‘yon! ‘Wag na ‘wag lang talaga siyang magpapakita pa sa akin dahil hihirap siya ng mukha sa aso! Dahil busy ‘yung dalawa sa kanilang diskuros, napag-isipan ko ng lumabas. Hindi na ako aasang tutulungan ako nang dalawang yan, baka ako pa nga ang tumulong sa kanila. Kaya shooo! Layas na 'ko. Ba-bye na lang mga fren, nawa'y pahirapan kayo nang husto dito. Asa naman kayong may pa-compliment ako? Never! Pagkalabas ko ng tent, naghihintay na pala ‘yung maghahatid sa 'kin pabalik sa training camp na van. At bilang parusa, kailangan ko lang naman linisin ‘yung buong apat na palapag naming dormitory, isama na ‘yung office nila at mga banyo. 'Kala naman nila mahirap para sa 'kin y’on. Tsk! Laking probinsya kaya ako, 'no? Sanay ako sa hirap,' singhal ko sa isip ko bago sumakay. Wala na rin pa lang hila-hilamos at mumog ‘to,nand’yan na sundo ko eh. Masyado naman ‘ata silang excited na umalis ako dito. Feeling naman nila patapon akong basura. Umupo ako sa harapan, sa may tabi ni Manong driver. Ewan ko nga kung sanay magmaneho 'to eh, sa liit ba namang ‘yan? Sabi nila, "Bassit ngem nataragsit." (“Small b ut terrible.”) Sabi ko naman, "Small, e ‘di si Dagul!" Kung gusto mong matupad ang mga pangarap mo, tumawa ka dito! "Tara na po, Manong!" sambit ko sa katabi kong driver. "Kung makapag-utos parang personal driver mo 'ko, ah?" At nagtaas ng kilay si Manong. Taray, ah? Masubukan nga 'to. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo. "Bakit hindi ba? Sa totoo lang ay hindi nga kayo mukhang driver eh, mas mukha kayong elementary pupil!" pambabara ko dito at nagsimula na nga niyang paandarin ang sasakyan. Ano ngayon? "Pasalamat ka maganda ka," mahina nitong sabi. Hindi ko na lang pinsanin at baka dumagdag pa sa galit ko. Ayoko ng ma-stress pa lalo. Nag-umpisa ng pinatakbo ni Manong ang sasakyang habang nakatanaw lang ako sa bintana. Akala ko nasa paanan na kami ng bundok pero hindi pala dahil tanaw ko na mula dito ngayon ang malalim na bangin. Jusko! Ang lalim, parang butas lang sa mukha ni Sara. Joke lang! Maganda sanang adventure 'to kung ‘di lang nasira. Kung bakit ba naman kasi minamalas ako eh! Hayop na Gian! Isinusumpa ko, may araw din talaga ang un ggoy na ‘yon! Nasa gano'n akong pag-iisip ng mapatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko dito ang mga kasamahan ko, lalong lalo na si Gian. Naiinis ako sa mukha niya pero hindi ko kayang gumanti. Nasasabi ko lang pero hindi talaga kaya. "Surprise, Cap!" Ayun, nagsitilian ang mga animal. Nahawa ‘ata sa katabi nilang animal din. Shemay, nata-touch ako, ah? Parang may saya at liwanag ulit sa puso ko. Akala ko kasi mag-isa ko lang babalik sa training camp pero hindi pala. At bakit nga ba sila nandito? "Hep, hep!" Pagpapatigil ko sa kanila. "Huray!" Sagot ng mga abnormal, kahit kailan talaga. Ano laro ba ‘to? Nagsitawanan ang mga saltikin kong kagrupo pero sanay na 'ko sa mga ‘yan. Sadyang mababaw lang talaga ang kaligayahan nila. Hindi ko lang naikukwento sainyo pero ngayon nakwento ko na. Hahahaha! "MGA HAMPAS LUPA MAGSITIGIL KAYO!" sigaw kong ganyan at bigla rin namang itinigil ni Manong ang sasakyan. “Bakit ko itinigil, Manong?” nagtataka kong tanong dito. Hay naku, ibang iba talaga ang mga nangyayari sa araw na ‘to! "Sabi mo magsitigil eh." Ah, waley! ‘Yan ang ‘hirap sayo eh, tanda-tanda mo na nakiki-millennial ka. Pero kabaliktaran ang nangyari. Dahil nga sa abnormal 'tong mga kagrupo ko, ayun, halos magsuka sila sa kakatawa. No choice ako eh, kaya makitawa na lang tayo. HAHAHAHAHAHA! Ilang minuto pa ay bumalik na rin sa pagkaseryoso ang lahat, kaya't kinuha ko na ang pagkakataon upang magsalitang muli. "Seryoso na, ah? Pa'no at bakit kayo nandito?" tanong sa kanila pero ngumiti lang ang mga ito nang nakapatamis. Ayie, parang magic sugar ang mga baliw! "Kasi,” isa-isa silang nagsabi ng ‘kasi’ hanggang sa umabot kay Gian. "Sorry, kasi dahil sa 'kin," puno ng sinseridad niyang sabi kahit na nahihiya siya. Ewan ko pero parang nawala ‘yung sama ng loob ko sa kaniya. Hindi, sadyang mabilis lang talaga akong magpatawad. Sabi kasi ni Aama sa 'kin no'ng bata pa ako, 'masamang magtanim ng galit sa kapwa mo dahil ‘yon din ang aanihin mo'. Oh, ‘di ba? Ang bait ng mga magulang ko, manang mana talag sa kanilang anak. Baliktad ba? Pero ‘yon kasi ang totoo! "One team?" Si Sara at ini-extend ang kanang kamay sa gitna. Piinagtatapat naman namin ang mga kamay namin at saka biglang itinaas. "One dream!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD