Jadie's POV "Hey, anong nangyari sayo?" tanong niya ulit sa akin. Umiling lang naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya bilang tugon. Buong byahe pauwi sa bahay akong walang imik, hanggang sa patigilin ko siya sa isang kanto dahil lubak na ang daan papasok sa amin. Nakakahiya naman kasi dahil ihinatid na nga ako nito at abusado na kapag naputikan pa ang kotse niya. Kaya ko namang lakarin at malapit naman na. "Dito na lang ako, Gian, malapit naman na sa amin. Sige, salamat ha?" pagpapasalamat ko at nagsimula nang bumaba. "Ingat ka pauwi!" Kaway ko pa at dali-daling naglakad. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero nagbingi-bingihan na lang ako at hindi siya pinansin. Ang sama ko ba? Hindi ko siya nilingon dahil natatakot ako ss sobrang lakas nang pagkabog ng puso. Everytime I look at

