Nagre ready na ang lahat na umalis ng biglang umiyak muli ng napakalakas ni Zebby. Mas malakas kanina na tila para itong nasasaktan. Namumula ang tenga nito at nagkaroon ng pula sa buong katawan. "What's that?" Tanong ni Myrna kay Yuki ng makita ang pula sa iba't ibang parte ng katawan ni Zebby. "It's an allergy reaction." Napatulala ng sandali si Yuki ng makita ito at maalala ang anak na panganay ng nilalagnat ito at nagkaroon ng pulang butlig butlig sa buong katawan at nalamang allergy reaction ito. "Anong kinain ni Zebby ngayong araw?" Tanong ni Yuki kay Gabby na siyang nagpakain kanina kay Zebby. "Just rice and boiled tomato." Mabilis na sagot naman ni Gabby na may halong guilt sa kanyang tono. "Zebby's allergic to tomatoes?" Ulit na tanong ni Michael saka hinipo hipo ang noo nit

