Ava “So, Rowan?” tanong ni Ethan habang pabalik na kami sa bahay. Pagkatapos ng nangyari sa banyo, ayoko nang manatili malapit kay Rowan kaya hiningi ko kay Ethan na ihatid na ako pauwi makalipas ang trenta minutos. “He’s my ex-husband,” sagot ko nang walang emosyon at natahimik kaming dalawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kapal ng mukha ni Rowan na cornerin ako sa banyo. Kung hindi pa ‘yun sapat, muntik pa niya akong halikan! Hindi siya kailanman naging madalas mag-initiate ng halik, kaya sobrang nagulat ako. Halos bumigay na ako. Ito ang matagal ko nang gustong mangyari, pero naalala ko bigla na kasama na niya si Emma. Malamang hinalikan na niya ito at baka nga may ginawa nang iba. ‘Yun ang nagbigay sa akin ng lakas para itulak siya palayo. Hindi ko na kayang hayaan na gamitin ni

