CHAPTER 70 – MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Daddy nakapag-usap na ba kayo ni Mommy?” Narinig kong tanong ni Karlo. Hindi ko tuloy binuksan nang husto ang pinto sa kwarto nila. “Yes, anak… Mommy and I talked a lot. Mabuti na lang at mahimbing ang tulog niyo. Ang ingay kasi kausap ni Mommy. But I’m really really happy kasi bati na kami. We’re a happy family now. Magpapakasal na kami.” “Yehey! Yehey!” “Kids, soon may ipapakilala ako sa inyo, ha? I hope you will love her as much as you love me and Mommy.” Parang natunaw naman ang puso ko sa narinig dahil sobrang saya ng mga anak ko. Naririnig ko pa ang paglundag nila. At napakasaya ko para kay Jarred. Alam kong makompleto na talaga ang pangarap niya at si Celine ang tinutukoy nito. Akmang bubuksan ko na ng todo ang pinto.

