THE HAPPY ENDING – MIRACLE & JARRED AFTER 2 YEARS Miracle Florence Caballero “Baby ko, baka pinagpapawisan ka na.” Nagulat ako sa biglang paglitaw ni Jarred sa may gilid ko at pinunasan niya ang mumunting pawis sa noo ko ng panyo niya. Nakatayo ako dito sa isang area sa gilid kung saan natatanaw ko ang pinapagawa kong learning center. Busy na ang mga trabahador matapos ang aksidente kanina. “Love? Akala ko ay busy ka? Bakit nandito ka?” nag-aalalang tanong ko na hinarap siya. “Yeah, but you’re not answering my call. Nag-alala ako. I called Heaven. She told me that you are here at may aksidenteng nangyari.” I sighed. “I thought you have emergency meeting. Hindi mo na sana ako pinuntahan. Baka ma-late ka sa meeting mo. Hinatid naman ako ni Jasper dito. Susunduin niya rin ako kapag ta

