Bigla ay narinig ko ang ring ng cellphone ko na nasa table. Tiningnan ko lang 'yon at matapos ay binaling muli ang tingin kay Jamaica na do'n sa cellphone ko nakatingin. "Sige na, Jacob... Baka importante ang tawag na 'yon... May lakad din kami ni Jewel ngayon. We'll go shopping." Tumango ako at umalis na rin si Jamaica. Bumalik naman ako sa table para kunin na ang cellphone ko nang muli 'yon na mag-ring. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng nag-register do'n. Ellie Carpio. I quickly scan the area to see if anyone is approaching. Mahirap na at baka may makarinig na ibang tao na hindi nakakaalam ng sikreto ko, lalo na si Heaven na baka marinig na kausap ko ang babaeng inaakala nitong patay na. "Hello, Ellie, anong kailangan mo?" Seryosong tanong ko agad nang sinagot ko ang

