Ruthless Billionaire 1 - 38

1111 Words

CHAPTER 38 - MIRACLE & JARRED AFTER 7 MONTHS Miracle Florence Geronimo “Excited ka na bang bumalik ng Maynila, Ate Mira?” Napalingon ako sa nagsalita. Si Heaven na nakangiti sa akin. Napatingin siya sa tiyan ko na kanina ko pa hinihimas habang nakaupo dito sa may rooftop ng 3-storey mansion at nakatanaw sa malawak na hacienda habang papalubog na ang araw. “Oo, Heaven…Ang tagal na rin natin na hindi nakapunta do’n.” Sagot ko at muling napatanaw sa malayo habang napangiti nang mapait dahil naalala ko pa ang huling sandali na naroon kami sa Maynila. Nang gabing pinalayas kami ni Tita Mayet hanggang sa napadpad dito sa malawak na hacienda ng taong tumulong sa amin ng gabing ‘yon. “Itutuloy mo ba talaga, Ate?” Muli akong napatingin kay Heaven. Kita ko ang lungkot sa mata niya. Alam ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD