CHAPTER 44 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Hey, are you okay, Mira?” Tanong ni Arthur sa akin. “H-ha?” “Parang wala ka sa mood? Hindi ba naging maganda ang first day ng class?” Natigilan ako sa tanong ni Art. Natutulala na pala ako na kinainis ko dahil apektado pa rin ako sa nangyari kanina sa akin sa school. “Uhm… Okay naman, Art… Napagod lang siguro ako.” Ngumiti ako kay Arthur. Gumanti naman sa akin si Arthur ng ngiti bago nito sinubo ang in-order na burger. Ako naman ay kumuha ng french fries at sinubo at walang gana na ngumuya. Nandito kami ngayon sa Jollibee fastfood na malapit mula sa school na pinapasukan ko. Nag-aya ng merienda si Art bago ako iuwi ng bahay at pumayag naman ako. Maaga pa naman at alas kwarto ako naka-out kaya makakapag-dinner pa ako kasam

