CHAPTER 41 - HEAVEN & JACOB

3058 Words

Heaven Venice Geronimo "Wow. Wala pa rin na pinagbago Ate Mira." Masayang sabi ko nang makapasok ako sa kwarto ko sa mansion ni Kuya Jarred. Agad kumawala sa kamay ko si Milan at nagtatakbo papunta sa kama ko at sumampa do’n. Si Ravenna at Genoa naman na hawak ng dalawang yaya nila ay nagtatakbo papunta sa couch na nasa may gilid ng kwarto. Hinayaan ko na lang ang mga anak ko na maglibot dito sa kwarto ko. Dito rin naman sila matutulog kasama ko mamayang gabi. Ganito sila kapag may bagong lugar na napupuntahan. Nagiging maligalig sila. Kaya nga tig-iisa sila ng Yaya dahil gusto kong hands on ang bawat yaya sa kanila. Malilikot kasi sila at hindi kaya ng isang tao lang ang mag-aalaga. Though ang sabi sa akin ni Ate Mira ay magpapaayos siya ng isang guestroom para gawing kwarto ng trip

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD