Heaven Venice Geronimo “Jacob!” Gulat pa rin na sabi ko. Hinawakan ko siya sa dibdib at sinadyang itulak kahit na nanlata na ang katawan ko. Mabuti naman at humiwalay siya sa akin. Rumurupok ang katawan ko sa simpleng hawak niya kaya habang maaga ay dapat mapigilan ko siya. Humakbang ako paatras. “Heaven…” Parang nabigla naman si Jacob sa naging reaksyon ko at tuluyang bumitaw ang kamay niya sa may beywang ko. Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag nang tuluyan na maghiwalay ang mga katawan namin. Ramdam pa ng katawan ko kung gaanong katigas ang kargada niyang pinaramdam niya sa akin. “Nag-usap na tayo, Jacob. Hindi porque na pumapayag ako sa mga gusto mo ay ibig sabihin na gusto ko ‘yon. Ginagawa ko lang ‘yon para pasayahin ang triplets. I’m reminding you again, I’m having a bo

