Heaven Venice Geronimo “Are you just going to stand there, woman!?” Madiin na tanong ni Jacob sa akin. Do’n ko lang na-realize na nakatitig na pala ako sa abs niya. Paano ba naman ako hindi mapapatitig. ‘Yung hulma ng abs niya ay nakaka-akit. Aminin ko naman kasi o hindi ay sexy talaga ang katawan niya sa paningin ko. ‘Yung biceps pa niya ay sobrang sexy rin na tingnan. Well-toned ang muscle sa parte na ‘yon. ‘Yung tipo ng muscle na hindi naman sobrang putok na putok. Nakakatakot kasi ‘yung sobrang laki, ‘yung sa kanya ay sakto ang laki sa height niya. Parang ang tigas na tigas no’n. Nahagip rin ng mata ko ang dibdib niya. Naalala kong nahawakan ko ‘yon ang ng gabing nakabunggo ko siya sa kusina ng nakiligo ako sa guestroom do’n. At ang tigas nga no’n. Tumingin ako sa mukha ni Jacob.

