CHAPTER 41 - MIRACLE & JARRED AFTER 6 YEARS Miracle Florence Geronimo “Geronimo, Heaven Venice, cǔm laude!” Agad na tumulo ang luha ko nang tinawag na ang pangalan ni Heaven. Pinunasan ko ang luha ko ng tissue at matapos ay pumalakpak habang pinapanood ang kapatid ko na naglalakad at nakikipagkamay sa mga matataas na opisyal dito sa tanyag na university kung saan siya nagtapos. Ang makatapos lang si Heaven sa pag-aaral ay laking pasasalamat ko na sa Diyos... Pero mas higit ang binigay sa akin dahil sa pagiging cǔm nito. Si Heaven ang isa sa pinakamagaling na nagtapos sa batch niya. Hindi basta basta na nakuha ni Heaven ang title na cǔm laude. Labis na pagsusunog ng kilay ang ginawa nito. Saksi ako kung paano nagsikap ang kapatid ko dahil sa pangarap nito na maging mayaman. Mulin

