CHAPTER 5 - HEAVEN & JACOB Heaven Venice Geronimo “Are you sure, Jasper?” paninigurado tanong ko. “Yes, Ma’am Heaven. Wala pa naman akong bad news na nakikita sa int3rnet. Wala rin akong reklamong natatanggap pa.” Nagda-drive na ako pauwi ng bahay. Hindi na ako nakapasok sa opisina kanina at dumeretso sa isang scheduled meeting kaninang after lunch. Matapos ng halos dalawang oras na meeting ay pinasya kong hindi na lang din tumuloy sa opisina at umuwi na lang. Sigurado naman na hindi rin ako makakapag-isip ng maayos kahit nasa opisina ako. Kanina nga lang sa meeting ay mukhang nahalata ng kausap kong client ang pagkalutang ko. Hindi maganda ang gising ko dahil sa puyat. Kulang ako sa tulog kaya hindi maayos ang function ng utak ko. Gawa na rin ng hang-over dulot ng paglalasing ko kag

