Heaven Venice Geronimo "Heaven, please. I'm really sorry..." Mas naging puno ng pagsusumamo ang expression ni Jacob. "Hindi ko sinasadyang pagbintangan ka. I was a fool for believing Jewel. Forgive me. Let's start over again. Let me prove to you that I'm truly sorry--" "Just leave me alone." Pinutol ko na ang sinasabi niya. "'Huwag mo na akong gulohin! Baka kapag ginawa mo 'yon ay baka patawarin pa kita!" Dinuduro ko ang pinto. Hindi ko na talaga kayang harapin siya dahil parang bibigay na ang tuhod ko sa nangyari sa pagitan namin. Pero si Jacob na imbes humakbang papunta do'n sa pinto ay humakbang pa paatras sa akin. Lumuhod siya na kinagulat ko. Ang dalawa niyang kamay ay magkasaklop na. Para akong santo na dinadasalan niya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Hindi ak

