FINALE – MIRACLE & JARRED “Ikaw na po ang pinakamagandang bride na na-make-up-an ko eversince, madam” Nakangiting papuri sa akin ni Ate na make-up artist na kinuha ni Heaven para sa akin. Kada pahid ni Ate sa mukha ko ng make-up ay panay puri nito. Gandang ganda ito sa akin. Hindi ko nga alam kung binobola lang ako ni Ate. Feeling ko pa naman ay ang haggard ko tingnan dahil nahirapan akong matulog kagabi. Hindi man lang ako naka-otso oras na tulog. “Ate, napakaganda mo.” Banggit ni Heaven na nakatayo na ngayon sa likuran ko at nakatitig sa akin mula sa salamin. “Ikaw din naman.” Nakangiting balik ko kay Heaven sa papuri niya. Totoo naman na napakaganda ng kapatid ko. Lapitin din naman siya ng manliligaw. ‘Yon lang ay masyado talaga siyang workaholic. Hanggang ngayon ay tila ayaw pa ma

