CHAPTER 28 - MIRACLE & JARRED Miracle Florence Geronimo “Pauwi ka na ba, Mirabebe?” Tumingin ako sa oras na nasa laptop ko at matapos ay nilingon ako kay Ate Lucy. Alas singko na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil masyado akong focused sa trabaho. “Pauwi na rin, Ate Lucy… Tatapusin ko lang ‘tong ginagawa ko para hindi ko na balikan bukas. Overtime lang ako sandali… Mga isang oras siguro.” Nakangiting sabi ko nang binaling ko ang tingin kay Ate Lucy na sinisinop na ang gamit niya sa table. “Sige… Mauna na ako, ha? Nagmamadali ako dahil may lakad kami ng parents ko. Ingat ka mamaya pauwi.” Sambit nito na busy na ngayon sa pagkalkal ng bag niya at kinuha ang powder niya para mag-retouch. Muli ko na lang na binaling ang tingin sa laptop ko. Mabuti na lang at nasa tamang

