CHAPTER 49 - MIRACLE & JARRED Bigla ay nabaling ang tingin ni Jarred sa kinatatayuan namin. Hindi ko tuloy alam kung ikikilos ko ang mga paa ko. Nagwala ang puso ko nang mapansin ang madilim na titig nito. Kahit ang layo pa ng pagitan namin ay parang tumatagos sa akin ang mata nito. Hanggang sa tumayo na si Jarred. Parang alam ko na kung saan ito papunta. “H-heaven, si Jarred.” Usal ko. “My goodness! What is he doing here?” Ramdam ko ang labis na galit sa boses ni Heaven. “Ate, ipakita mo sa kanya na hindi ka affected! Jasper, umaktong sweet ka kay Ate Mira, please.” Halos pabulong na sabi ni Heaven na nasa may tabi ko. Ilang hakbang na lang ang lapit ni Jarred sa amin. “So, you have a new suitor, Miracle?” Sambit ni Jarred na hindi maitago ang galit sa mukha n’ya nang tuluyan nang n

