MINT’S POV KAHIT PUYAT AKO KAGABI kakaisip kay Hera at sa pagnakaw ko ng halik dito ay na late ako ng tulog pero kahit kulang sa tulog ay maaga pa rin naman ako nagising kinabukasan.Ngayon ang araw ng ‘Death Anniversary’ ng grandparents ko kaya naman mamaya lamang ay dadalaw kami ni daddy sa sementeryo.Magpapadasal rin kami dito sa bahay at konting salo-salo sa lunch.Mga malalapit na kaibigan at kakilala lamang ang imbitado.May ilang relatives rin. Naisipan ko rin na imbitahan sila Riri, alam niyo na nagbabakasakali ako na makasilay muli kay Hera kung ‘yun ay sasama ang huli. Sana nga ay sumama ang mga ito pati ang kambal sana. Magkasama kami ni Dad na dumalaw sa puntod ng grandparent’s ko.Before twelve o’clock ay bumalik na kami ni dad sa bahay. Isa-isa rin dumating ang bisita namin.Kah

