SERENE’S POV SUMAPIT ANG ARAW NG kaarawan ng kambal ko at simpleng handaan lamang para sa first birthday ng mga ito ang selebrasyon naming ginawa.Mga kapitbahay ang imbitado at ilang kakilala ni ‘nay Adela sa palengke na kagaya nito ay nagtitinda rin.May mga nag-abot ng regalo para sa kambal at mayroon ring nagbigay ng pera.Dumating rin ang ninong at ninang ng kambal na kakilala lang ni Sam na nakilala ko rin ang ibang kaibigan nito.Dalawang babae at dalawang lalaki.Nung binyagan ang kambal ko ay itinaon na fiesta dito sa aming lugar para isang handaan na lang at saka simple lamang din.Lima lang sila mga humawak kasama na si Sam sa mga ito. “Tuloy po kayo,” Magalang na salubong ko sa mga bisita na dumating.Hapon ang napiling oras namin para ganapin ang selebrasyon. May ilang palaro rin

