Chapter 3

1389 Words
Chad POV Maikli ang pasinsya ko at alam ni Tyler iyon. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kanya. Mabuti naman ito sa akin at maalagang kapatid. Medyo nilamon ako sa selos kaya ganun nalang ang naging trato ko sa kanya. Nagseselos ako sa kanya dahil simula bata pa kami ay sa kanya lahat ang atensyon ng mga taong naging importante sa akin. Para sa akin inagaw niya lahat. Galit ako sa kanya dahil siya ang palaging bida sa mata ng lahat at ako iyong kuntrabida na walang ibang ginawa kundi malasin ang buhay ng inidolo nila. Kaya nakaisip ako ng paraan para malasin ang magandang buhay niya. Tinawagan ko si Manong Jaime kanina upang sabihin sa kanya na hindi magpasundo si Tyler sa paaralan. Binilin ko rin sa kanya na duon ito sunduin sa Mall na pagmamay-ari ng ama ko dahil iyon ang utos kuno ni Tyler. Walang kus-kus balungos ay pumunta ito kaagad sa nasabing lugar. Alam kung may practice sila ngayon dahil malapit na ang interschool compitation kaya tudo ang insayo nila. Inutusan ko kaagad si Brandon na dukutin ang magaling kung kapatid. Magaling siya sa larangang ito at malinis itong magtrabaho. Ilang ulit ko narin itong inutusan sa mga pinagtitripan ko nuon pero hindi talaga ito pumapalya. Binigay ko na rin ang eksatong lugar kung saan niya ito dukutin at ganun rin ang gantimpala sa trabahong ipinagawa ko sa kanya. Pagsapit ng alas syete ng gabi ay tumawag sa akin si Brandon dahil sisimulan na niya ang kanyang trabaho. Isang makabuluhang tawa ang binitawan ko gumagana ang naging plano ko. Tumawag ulit ito sa akin at sinabing naging successful ang kanyang misyon kaya ibinilin ko sa kanya na dalhin ito sa stock room na nasa gilid ng teacher department office at doon ilagay ang walang malay na katawan nito. ========= Naging advance ang aking pag-iisip sa planong hindi ko sanang gustong gawin. Alam kung mag-alala ang aking ina para sa kanya pero ito rin ang natatanging paraan para makaganti ako. Alas dose y medya ng gabi ay randam ko ang malakas na katok sa aking pintuan na syang pumukaw sa aking pagtulog. Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nag-alalang mukha ng aking ina. " Chad? Bakit wala pa si Tyler. Ilang oras na yata ang dumaan pero hindi parin siya dumating. May dinner sana tayo ngayon sa labas kaso wala pa siya. Hindi ako mapakali anak dahil nag-alala ako ng lubusan sa kapatid mo" nag-alalang sabi ni mom. "Ha? Hindi pa nakauwi si Tyler? Sa. Sa. Ganitong oras wala pa sya sa bahay. Tangna!! Nag-alala rin ako para sa kanya mom. Ngayon lang yata nangyari ito na hindi nakarating ng maaga si Tyler sa bahay. Baka..baka may nangyaring masama sa kanya mom." pakukunwaring sabi ko sa aking ina. Pahingus at ngiyak-ngiyak ang naging reaksyon ng aking ina. Subrang pag-alala ang rumihistro sa mukha niya. "Wag sana, ti.tinanong ko si Manong Jaime kanina at sabi niya na tumawag ka raw sa kanya na duon sunduin si Tyler sa mall tapos sabi niya dalawang oras daw syang naghihintay pero wala daw si Tyler. Mga ilang ulit rin niyang tinawagan ito pero hindi ito makontak." aliga-ga nitong tanong. "Ang sabi kasi niya sa akin kanina na matatagalan raw sya sa pag-uwi dahil may praktis daw sila at pupunta daw sya sa mall pagkatapos ng insayo niya. Tinawagan ko si Manong Jaime na doon nalang nya sunduin si Tyler dahil iyon kasi ang bilin niya. At ako po'y nagtataka kung bakit sa ganitong oras ay wala pa sya. Malakas ang kutob ko po mom na may nangyari sa kanya dahil alam naman natin na hindi uuwi si Tyler sa ganitong oras." pakunwari kong tugon kay mommy. "Wag mo namang sabihin sa akin yan anak na may nangyaring masama sa kapatid mo. Maayos ang kanyang kalagayan ngayon at baka nandun sa kaibigan niya." positibong salita ni mom pero may halo paring pag-alala. "Baka nga mom. Pero tumatawag naman iyon kapag pumupunta kina Zach o kay Angela. Nakakapagtaka lang kung bakit hanggang ngayon ay wala parin tayong natanggap na tawag galing sa kanya." pabuntong hininga kung salita sa kanya. Tango lang ang naging sagot ng aking ina pero kita ko sa kanyang katauhan na hindi maganda ang kalagayan niya. Naging mabagal ang kanyang paghinga at gumagaspang ang bawat paghingus niya. Lupaypay ang aking ina at biglang bumalagtang ang katawan niya sa sahig. Hindi ko akalain na aabut sa ganito ang masama kung plano. Hindi ko to gusto.. Nataranta ako kung ano ang aking gawin sa mga oras na iyon. Kaya dali- dali ko itong linapitan ang walang malay na katawan ni mommy at humingi ng tulong sa iba kong kasama sa mansyon. Dinala namin sya sa hospital na pagmamayari ni daddy. Kita ko ang pag-alala ng ibang katulong sa bahay dahil sa kondisyon ni mommy lalo na si nanay mig. Tinawagan ko si daddy upang ipaalam ang nangyari kay mom at kasalukuyan nandon pa ito sa kompanya na nag-overtime para sa bago nitong proyekto. Mga ilang oras ang nakaraan ay dumating si dad. Kita ko ang pag-alala sa kanyang mukha habang mariing nakatingin sa aking inang na-confine. Binaling niya ang tingin sa akin habang galit ang ekspresyong ibinitaw niya. "Chad anong nangyari?? Bakit biglang nagkaganito ang ina mo??" iling nitong salita sa akin. "Eh kasi dad si Tyler hindi pa umuwi hanggang ngayon. Labis na nag-alala si mom kaya hinanap niya ito sa akin. Hindi ko inakalang hahantong siya sa ganitong kondesyon" aligagang salaysay ko sa kanya. "At saan naman pumunta ang tarantadong Tyler na yan? Walang ibang ginawa ang batang yan kundi malasin ang buhay natin!" bulyaw na salita ng ama ko. "Sa napag-alaman ko po dad ay may pinuntahan daw si Tyler ngayon kaya hindi pa ito umuwi. Hindi sya nagpaalam kay mom dahil hindi naman ito papayagan. Ilang ulit na po nya itong ginagawa at halos gabi-gabi na yata ang pagbubulakbol niya. Alam nyo naman pong mahal siya ni mom at ayaw niyang may mangyaring masama kay Tyler. Iyon ang dahilan kung bakit biglaang nahimatay si mom" buntong hiningang salaysay ko sa kanya. Syet!! Nagsisinungaling naman ako. Blanko ang naging reaksyon ng aking ama. Umupo narin ito kaharap ang aking ina. Nagpasyahan kung lumabas muna. Nang buksan ko ang pintuan ay tumambad sa aking harapan si nanay mig. "Narinig ko kanina ang pag-uusap niyo ng ama mo. Hindi lang ako mapalagay dahil sa nagawa mong paninira kay Tyler kaya kinausap kita ngayon. Ano ba ang dahilan Chad kung bakit galit ka kay Tyler? Wala naman itong kasalanan sayo. " ngiyak-ngiyak na sabi ni nanay mig sa akin. "At ano naman ang paki-alam mo nay! Tangina sa buhay ko ang Tyler na yan!! Salot siya para sa akin!! At wala karing paki-alam kung ano ang gagawin ko!! Wag mong pakialaman kung ano ang gagawin ko dahil katulong ka lang. Pareho lang naman kayo ni Tyler.. Mga walang silbi!!" umurong ang dila ko sa sinabi ko. Tangina!! Nawala ang respito ko. Respito? Wala rin naman ako nun. "Chad bakit ang laki ng pinagbago mo? Hindi na kita kilala. Tama ang aming pagdesiplina sayo ng ina mo at hindi kami nagkulang sa pag-aalaga sayo. Anak ang turing ko sayo Chad. Simula nuon ay hindi ko pinagsisihang ang pagsisilbihan kayo dahil napamahal na ako sa inyo. Ang hindi ko lang gusto sa sinabi mo yung maliitin ako. Ang laki ng sinayang ko sayo chad at dapat nuon palang ako nagreresign. Tskk!! Hindi ko akalain na sa batang halos buong buhay na pinaglaanan ko ng oras ay ganito pala kasakit kapag minumura ka!! Magreresign narin ako anak. Nabaling kasi ang pagmamahal ko sa inyo na hindi ko naibigay sa sarili kung mga anak." mariing salita nito habang pinahid ang namumuo nitong luha. "Sorry nay!! Hindi ko sii.nadya ang si.nabi ko kani.na. Na.baon ka.si ako sa galit." utal utal kung salita sa kanya. Ngiti lang ang naging tugon nito. Pumasok narin ito sa luob habang naiwan akong tulala. Dama ko ang binitawan niya salita. Mahal ko si nanay Mig dahil siya lamang ang taong nakaitindi sa akin. Pero naglaho lahat ang samahan namin dahil sa pagiging madamot ko. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD