Prologue

758 Words
"Dun sa may orange na tent.Nadoon yung model para sa interview.Ayusin mo yung script mo.Baka mamaya kung ano na naman ang maitanong mo." saad ng team leader naming si Lucilla.Masyadong istrikta ito sa aming mga baguhan.Kaya hindi ko maiwasang kabahan sa bawat event na pinupuntahan namin. Kung bakit kasi sa field ako inilagay at hindi na lamang sa studio.Pangalawang beses ko na ito.Ang una ko ay naging sablay dahil sa ibinigay sa king script para sa ininterview kong artista noon. At ayokong mangyari ulit iyon ngayon.Nakakatakot si Lucilla.Baka paliparin niya na ako kapag nagkataon. Inaantay ko si Lito,ang cameraman namin ngayong araw.Ang sabi ay on the way na ito.Naisipan kong puntahan ang tent na sinasabi ni Lucilla.Sa totoo lang maraming tent sa event na ito. May nakita akong orange na tent sa bungad pa lamang.Siguro ay ito na yun.Isang Carlos Manuel daw na iinterviewhin ko. Ang sabi sa akin ng mga source namin sa opisina ay mabait naman daw ito,dahil baguhan pa lamang kagaya ko sa kaniyang trabaho.Kaya magiging smooth lang daw ang pag uusap namin. Sumilip ako at tamang tama dahil mag isa lamang siya.Kakausapin ko muna kasi siya patungkol sa hawak kong mga papel.Para naman mamaya ay alam niya na ang isasagot niya sa akin.Nakaupo siya habang may takip ng bimpo ang mukha. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan niya.Nakabukas kasi ang ilan sa mga butones ng kaniyang polong suot.Dibdib pa lang sumisilip na ang pagiging matipuno niya. Napalunok ako ng maigi. "Stop staring at me." napapitlag ako ng magsalita ito. Tinanggal niya ang bagay na tumatabing sa kaniyang mukha.Lumantad sa aking mga mata ito. "I-ikaw?"Hindi ako makapaniwala sa aking kaharap ngayon. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi dahilan para pangilabutan ako sa uri ng ngiti niya. "Natatakot ka na ba?"Tumayo ito mula sa kinauupuan at nagsimulang humakbang papalapit sa akin.Natatabingan kasi ang tent na ito kaya sarado talaga ang bawat gilid.Napatingin ako sa pinasukan ko kanina. At medyo malayo ang distansya nito sa akin kung sakaling lalabas ako. "B-bat naman ako matatakot aber!" ekseheradang tugon ko. "Dahil sa ginawa mo sa akin.So isa ka palang paparazzi,no a stalker.Sa dami daming babae na naghahabol sa akin.Pati pala ang gaya mo ay natitipuhan ako.Sabagay,alam ko naman ang habol mo kaya mo ako sinundan dito." Napaawang ang bibig ko. "Hindi ikaw ang ipinunta ko dito.Saka hindi ako paparazzi o stalker na iniisip mo.Tumabi ka nga diyan!Lakas din ng loob mo e!"Pinilit kong maging matapang kahit na parang nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot sa kaniya. Ano na lang ba ang laban ko sa tangkad niya at laki ng katawan niya.Baka ibaon pa ako sa lupa nito ng buhay. Mahigpit na hinuli niya ang aking kamay ng akmang paalis ako. "Liar,bakit ka aalis agad kung hindi totoo yung mga sinabi mo." Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nakaukit ang ngisi sa kaniyang mga labi na wariy nang-aasar. "Sinabi ngang hindi ako ganoon.At hindi ko alam kung bakit ka nandito.Hindi ikaw ang iinterviewhin ko."paliwanag ko na siyang kinatingin sa kabuoan ko.Napukaw ang mata nito sa ID ko. Tinignan niya ito at sa palagay ko may kung ano na ngayong tumatakbo sa isip niya. " Sira ang phone ko dahil sa ginawa mo.Kaya dapat lang na bayaran mo yon."biglang sabi nito. "Hindi ko kasalanan yon,kasalanan mo yon dahil binabastos mo ang pinsan ko.Hindi ko alam na ganiyan ka pala—"nabigla ako ng tabigin niya ako papalapit ng husto sa kaniya. Habang ang kamay kong hawak niya ay hindi niya pa rin binibitawan. " Na ano..Tell me,ano ako?"Hindi ko maiwasang mapasinghap sa lapit ng mukha nito sa akin. Hindi ko maiwasang maamoy ang bango ng kaniyang hininga. Nakatuon ang mga mata nito sa akin na pawang hinihigop ang aking katinuan. "Hindi mo ako binigyan ng chance makapagpaliwanag ng sandaling iyon.So i guess,its time for my revenge."saad niya. Hindi ko maiwasang matakot sa mga sinabi nito. Natatakot ako na baka instant bugbog ang maranasan ko kapag lumabas ako ng tent na ito.Malaking eskandalo ito kapag nagkataon. "B-baka naman pwedeng pag usapan natin to." kakaba kaba kong sabi. "You want to talk about what?Hindi mo alam kung gaano mo ako napahiya nung gabi iyon!" mas tumindi ang takot ko ng magtaas ito ng boses. Napansin kong halos nagdidikit na ng husto ang mga katawan namin dahil sa ginagawa niya. "G-gagawin kong lahat.Please baka matanggal ako sa trabaho ko." pagmamakaawa ko.Yung mga titig niyang matalim kanina.Naglamlam ito sa aking pakiusap. "Okey,lets make a deal." pagkuwan ay kaagad niya akong binitawan. Hindi ko alam pero sigurado ako.Gulo ang siyang pinasok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD