Isa lang ang masasabi ko sa pag sasama namin ng asawa kong si Rafael, Napakaganda. Ito ang lagi kong binibida sa mga kaibigan at kaklase ko dati sa kolehiyo sa tuwing nag kikita-kita kami. Mabait, maalalahanin at mapag mahal si Rafael lahat na siguro ng mabubuting katangian ng lalaki na hinahanap ko ay nasa kanya na ngunit dumating ang panahon na sinubok kami ng Diyos.
Akala ko matatapos na dito ang pag sasama namin ngunit mabuti na lang at marunong humandle si Raf ng relasyon namin. Ok naman kasi ang lahat sa amin ng asawa ko ok naman talaga ang lahat simula pa noong una ngunit nagulat na lang ako bigla nang umeksena ang kanyang pamilya sa relasyon naming dalawa.
Mag kasintahan pa lang kami ni Raf noon kilala ko na ang pamilya niya. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin parang ako na nga ang anak nila at hindi na si Raf. Pareho kaming may trabaho na dalawa kaya sa lahat ng gastusin namin ay hangga't maaari ay gusto ko na hati kami. Ayoko kasing ipasa lahat ng resposibilidad kay Raf kahit sa mga dates naming dalawa dahil pwede namang humati naman ako sa gastusin. May trabaho naman ako at kaya ko namang humati at pabor naman siya sa ganung set up hindi dahil sa nag titipid siya sa akin kung hindi ayaw niyang iparamdam sa akin na wala akong kakayanan.
Sobrang nakaka-in love ang ugali ni Rafael na sobrang mauunawain sa lahat. Kapag nag ta-tantrums ako sa kanya alam niya agad ang dahilan, may dalaw lang pala ako. Mabilis niya akong napapahupa sa lahat ng pag iinarte ko sa buhay. Siya ang nag silbing best friend ko na lagi kong sandalan tuwing nagkakaroon ako ng 'di pagkakaunawaan sa bahay namin.
Lagi akong nasa bahay nila Raf minsan nga sa kanila na ako nakikitulog at ok naman sa magulang niya 'to dahil sa matanda naman na kaming dalawa at nasa tamang edad na kami. Wala naman akong naririnig na masasamang salita sa pamilya niya laban sa akin puro nga positibo kaya sobrang attach ako sa kanilang lahat ngunit wala akong kaalam-alam na pinag pepyestahan nila ako sa likuran ko. Sa tuwing nag kukwento ako tungkol sa bahay namin o nang problema ko iba na pala ang ibig sabihin nito sa kanila. Nakakalungkot lang na kung sino pa 'yung mga taong minahal mo ng sobra ay siya ring gagawa ng masama sayo.
Tumagal ang relasyon namin ni Rafael ng anim na taon bago niya ako inayang magpakasal. Malalaki na ang kanyang mga kapatid nito at handa na talaga kaming dalawa na magsama na mag-asawa. Ok na ok sa magulang niya ang pag papakasal naming dalawa hanggang sa tumira na kami ni Rafael sa puder ng magulang niya.
"Ano ba naman 'to Raf raf! Nakahilata na naman kayong dalawa diyan! Hindi ba kayo nasisilaw sa araw? Tirik na tirik ooh!" Angal ng ina ni Raf na si Inay Mercy habang pinapagpag ang kurtina sa harapan namin.
Napabalikwas kaming pareho ng asawa ko dahil sa silaw na umambala sa aming mga mata. Kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at nakita ko na alas sais pa lang ng umaga.
"Ka-babaeng tao balahura!" galit na sabi niya sa akin.
Pinupunasan ko ang mga mata ko nito dahil sa natuyong muta sa aking mga mata.
"Pangako aalis na tayong dalawa dito," malambing na sabi ni Rafael sa akin habang hinahaplos-haplos ang aking likuran.
"Ok lang parang si Inang lang din si Inay Mercy," nakangiting sabi ko sa kanya sabay sandal ng ulo ko sa kanya.
"Hayaan mo kapag nakaipon tayo ng pera ay aalis na tayo dito at bubukod na tayo para naman magawa na natin 'yung gusto nating dalawa,"
"Oo bubukod tayo para hindi na tayo pinapasok sa kwarto tuwing umaga ni Inay. Nakakahiya na din kasi na nagsusumiksik tayo dito,"
"Nakakahiya sayo kasi pinangako ko sa magulang mo na ibabahay kita pero ang ending nandito tayo sa bahay,"
"Wala 'yun as long as na magkasama tayong dalawa ok lang sa akin,"
"Salamat. Mahal na mahal kita Camille," nakangiting sabi niya sa akin sabay halik sa aking labi.
"Mas mahal kita Rafael." tugon ko sa kanya.
Tumayo na si Raf sa kinauupuan niya nito at inakay na niya ako para makatayo sa sahig. Kinuha ko ang pamuyod ko sa la mesa at itinali ko na ang buhok ko saka labas namin ng kwarto namin.
Nag kakalampagan na ang mga kaldero ng umagang ito at galit na galit na naman si Inay Mercy dahil wala pa ring agahan sa oras na 'to. Madali akong lumapit sa kanya at nag saing ako ng kanin habang hinuhugasan ko ang bigas ay nagtatadtad naman ng bawang si Rafael para sa isasangag naming tirang kanin.
Talak nang talak si Aling Mercy na akala mo sobrang entitled na bruha! Wala naman akong magawa kung hindi ang makisama sa kanila dahil nakikitira lang kami sa bahay nila Raf kailangan ko ng isang libong pasensya ay hindi walang katapusang pasensya para sa nanay niyang bruha.
Akala ko mabait 'tong impakta na 'to pero dragona pala. Hindi naman ako tamad na tao at hindi naman kami palamunin dito sa bahay na 'to dahil kung bibilangin ang share namin ng asawa ko ay parang kami pa ang nagpapakain sa pamilya niya.
Graduate na ang kapatid na babae ni Rafael pero ayaw mag trabaho at puro pabebe lang ang alam 'yung isa naman niyang kapatid puro hingi na lang. Kuya penge pambili ng ganito ganyan! Ok lang naman sa akin pero sana naman wag kaming ibabalahura dito. Hindi lang kami kung sino-sino kami ang bread winner sa pamilyang 'to!
Wala na ngang maasahan sa Itay Conrad dahil natanggal sa trabaho at ngayon inom-inom na lang ang ginagawa tapos ang Inay Mercy naman piling mayaman! Kesyo malaki naman ang sinasahod namin ni Raf. Alam niyo kung tutuusin mapera naman kami ni Raf dahil dalawa kaming nag tatrabaho pero nakukulangan kaming dalawa dahil napupunta sa pamilya niya ang pera.
Pagkatapos namin magluto ng agahan na dalawa ay hindi pa natapos ang kalbaryo naming mag asawa dahil kami pa ang nag gising sa mga kapatid niyang batugan. Ang bait kong tao pero may hangganan ang pagiging mabait ko dahil sa mga ganitong tao.
Alas nueve ng umaga ang pasok namin sa trabaho ni Raf kaya napapasulyap ako lagi sa orasan.
"Hon, alas syete na mauna ka nang maligo," sabi ko kay Raf habang nag huhugas ng pinggan.
"Sige pagkatapos nito maliligo na ako tapos ayusin ko na lang ang susuotin mo,"
"Sige salamat Hon."
Umalis na si Raf sa harapan ko at pumasok na sa silid namin para kumuha ng twalya niya para makaligo na siya. Hindi naman kami mahihirapan sa biyahe na dalawa dahil may motor naman kami na sasakyan. Less hassle na kami sa biyaheng dalawa kaya ganitong oras kami nag gagayak na dalawa.
Tinimplahan ko ng kape ang si Itay Conrad at pagkatapos ay nag sandok na ako ng pagkain sa la mesa.
Hindi ko na magawang mag agahan pa kaya nag pack na lang ako ng baon namin ni Rafael para sa trabaho na lang kami mag aagahan na dalawa. Hindi kami pareho ng kumpanyang pinapasukan na dalawa dahil bawal ang office romance at mag- asawa sa iisang kumpanya.
Pagkatapos kong mag balot ng agahan namin ni Raf ay pumasok na rin ako sa silid upang kunin naman sa kanya ang twalya para ako naman ang maliligo.
"Hon?" tanong ko sa kanya.
"Bakit?" tanong naman niya sa akin pabalik.
"W-wala," malungkot na tugon ko.
"Ano 'yun? Sabihin mo sa akin,"
"Mamaya na lang siguro,"
"Sige mamaya na lang."
Lumabas na ako sa silid namin at pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatingin sa akin silang lahat parang nag aabang ng kwento mula sa akin.
Hindi ko na sila pinansin at tumungo na lang ako sa banyo para maligo.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin akong maligo at mag gayak ng sarili ko kaya umalis na kami ni Rafael sa bahay at pumasok na kami sa trabaho.
Habang nasa biyahe kaming dalawa ay napapasin ni Raf na tahimik lang ako kaya tinanong niya ako agad kung anong nararamdaman ko.
"Hon? Anong problema?" nag aalalang tanong niya sa akin.
"Hon, Gusto ko sana kausapin na natin ang pamilya mo na bubukod na tayo next month,"
"Next month? Bakit parang ang bilis naman yata?"
"Nahihirapan na kasi ako Hon. Bakit ganun sila sa akin ngayon? Pinaplastik lang ba nila ako nung mag kasintahan pa lang tayong dalawa? Bakit parang nag iba ang trato nila sa akin simula noong kinasal tayo? Bakit parang may masama akong ginawa sa kanila kung makaasta sila sa akin ng ganito,"
"Sige kakausapin natin sila mamayang gabi at mag papaalam tayo na bubukod na tayo ng bahay,"
"Oo sana kasi sila naman may gusto na nandoon tayo sa inyo 'di ba? Hindi lang tayo makahindi sa kanila,"
"Sige ako na ang bahala diyan,"
"Si Betchay grumaduate na nga ayaw pang mag hanap ng trabaho tapos 'tong bunso niyo naman palahingi sayo. Wala na kasi tayo naiipon sa sarili natin Hon. Gusto ko na bumuo ng sarili nating pamilya,"
"Bubuo tayo ng isang basketball team with muse," tumatawa niyang sabi sa akin.
"Oo ibibigay ko sayo 'yan basta nakabukod lang tayo ng tirahan. Mas maganda ang iisa lang ang reyna ng tahanan at ako 'yun," tumatawang tugon ko sa kanya.
"Oo naman ikaw ang reyna ng buhay ko,"
"Talaga!"
Tumatawa-tawa lang kami ni Rafael nito para mawala ang pagkayamot ko sa pamilya niya.