Chapter 6: My Daughter's Friend
"O, ba't para kang tinuklaw ng ahas diyan?"
Inagaw ni Jen mula sa kamay ko ang hawak kong phone habang tulala pa rin sa napanood kong tagpo sa cctv footage ngayong umaga. Imbes na maggigiling ako ng coffee beans ay umupo na lang muna ako.
"My daughter didn't sleep in our house, and I saw her leaving our neighbour's house," I explained, still flabbergasted.
"Ano ngayon? 'Di ba, gentleman naman iyong kapitbahay ninyo na si Anton? Parang kapatid lang ang turing niya sa anak mo," she said as she looked at my phone.
"Ang problema, hindi siya galing sa kaliwang side ng bahay namin. Galing siya sa kanan, sa bago naming kapitbahay. Iyong lagi niyang binibisita," saad ko.
"Omo! Omo!" Humawak siya sa bibig niya at bahagyang lumaki ang mga mata niya. "Anong pinag-uusapan nila?" tanong niya at nakita kong nilalakasan niya ang volume ng phone ko.
Tumabi siya sa akin at sabay naming pinagmasdan sa screen ang kaganapan kagabi sa bahay namin sa Santander.
"Could we please talk?" tanong ng lalaking nakasuot ng itim na hoodie jacket.
"I'm already avoiding you because you told me to; ano pa ba ang gusto mong gawin ko?" sagot naman ng anak ko.
"Ay! Bet ko 'yong mga ganitong eksena," kinikilig na sabi ng katabi ko, hinampas pa ako sa hita. Nagdikit ang mga mukha namin dahil engross na engross kami sa pinanonood namin.
"I—" The guy appeared adamant and frustrated, punching his forehead slightly.
"I'm going in. You can tell me—" Sabi naman ng anak ko at akmang bubuksan na ang pinto.
"Wah!" Jen squealed na parang kinikilig na ewan. Sa lakas ng tili niya, napatakip ako sa tenga ko. Maging ako man ay kinikilig din dahil hinawakan ng lalaking iyon ang bewang ng anak ko at masuyong itinulak sa nakasarado naming pinto.
"Ay! Ano na? Anong pinagbubulungan?" Nabibitin na sabi ni Jen, at idinikit pa talaga ang tenga niya sa hawak niyang phone ko. "Wala, hindi ko marinig," sabi niya. Then she pressed the fast forward button, and we saw my daughter enter our home and go about her daily routine. Later, she went out of her room in her pyjamas and walked down the stairs to cook something for dinner. Ngunit nang maluto na ang baked mac and cheese ay hindi naman niya iyon kinain. Instead, she stomped her feet towards our neighbour's house. When I saw that she had locked our door, I smiled. But I'm concerned because she just returned home this morning.
Nagkatinginan kami ng kaibigan ko. "Do you think, naisuko na ang Bataan?" tanong ko na kinakabahan.
"Ayaw mo niyon? Magiging lola ka na kaagad?" She teased, poking the side of my flat belly.
"Tse!" sabi ko sa kanya. Hindi talaga 'to makausap ng normal. Bahala na. I inhaled the morning air and shrugged off the thoughts that were bothering me because I was concerned about how my daughter would handle their relationship. Magagaya din kaya siya sa akin na manhid at martir? Sana naman ay hindi. Ayokong maging katulad niya ako.
Napatingin ako sa kaibigan ko dahil pumitik siya sa harap ko.
"Oo nga pala, sinong kaibigan niya ang balak mag-apply dito?
I raised my shoulders because I had no idea who it was. "Ikaw na lang ang kumausap mamaya.
"Okay," she said. Umupo siya sa hagdanan at inobserbahan ako nang ipinagpatuloy ko na paggiling ng coffee beans. It has a sweet, caramel-like aroma that is quite refreshing. "Hmm! Ang bango talaga ng kape, parang ginigising ang kaluluwa kong natulog ulit! she laughed.
"Oo na, igagawan din kita. Nagpaparinig ka pa riyan!" I said, rolling my eyes at her. We're both coffee addicts, and hindi kumpleto ang araw naming dalawa kapag hindi kami nakainom ng kape. If someone could make or invent a coffee injection, I would buy thousands!
After eating breakfast with coffee, we took a bath and prepared for today's work. Siya sa harap ng mga tao at ako naman sa kusina, magluluto. She fits in perfectly because she is outgoing and enjoys interacting with a wide range of people. Ako? Hindi ko kaya iyon. Mas gugustuhin ko na lang masugatan ng kutsilyo habang nagtatadtad ng karne kaysa makipagtalo sa taong galit at gutom. She enjoys her work, and I enjoy mine as well.
"Akala ko ba, pupunta ang anak mo rito? Nasaan na?" Tanong niya nang sumasapit na ang dilim.
"May evening class pa iyon pero baka patapos na, hintayin mo na lang." I continued to cook for the customer's order. Mabuti na lang at tinanggap ulit ni Jen si Ador, kaya may nakakatulong sa akin dito sa kusina. Our daytime chef has just clocked out. He's tired because it's peak season in Moalboal again.
I had just placed a large wok on the stove when my daughter walked into the kitchen, instantly brightening my tired face.
"Nariyan na ang kaibigan mo?" usisa ko habang iginigisa ko ang luya sa mainit na mantika.
I saw her smile so cutely. "He's waiting outside."
"What are you waiting for? Ipa-orient mo kay Jen para makapagsimula na kaagad siya bukas!" I said.
Napaigtad pa ako dahil biglang dumapo ang labi niya sa pisngi ko. My heart felt warm, and I laughed with delight.
"Thank you, Mom! You'll like him; he's masipag." She smiled as she walked out of the kitchen.
Napailing na lang ako habang nakangiti.
I will like him because he's masipag?
I shrugged and went back to cooking the crabs. Naluto ko iyon, and when I ring the bell, one of our waitresses appears.
And as she grabbed the tray of ginger scallion crabs, she exclaimed, "Chef, nag-dinner ka na raw po ba? Kung hindi pa, sumaglit ka raw po sa staff house. Naroon po ang kaibigan ni Skye..."
"Sige, I'll go there!" I smiled at her as she turned to serve the food to the customers. Nilingon ko si Ador at tinanong ko kung tapos na silang kumain at mabilis naman silang tumango. "Babalik kaagad ako pagtapos kong kumain. Nariyan naman si Phillip, kaya niyo na rito?"
Mabilis ulit siyang tumango. "Kaya na namin, Chef. Take your time."
Nararamdaman kong naiilang pa rin siya sa akin kaya tinapik ko siya sa balikat at nginitian ko siya. Alright. I'll be back in an hour." I decided to let go of my hatred for him. After all, tao lang siya at nagkakamali rin.
I stepped through the back door and onto the limestone walkway leading to our staff house. When I walk in, everyone is downstairs, which is unexpected. Usually, they are already asleep or engaged in their favourite hobby inside their rooms.
"Chef!" Amy rushed up to me, her arms wrapped around mine. "Feeling ko po, handa na akong malipat sa night shift," she said, her face flushed.
"Ha? Akala ko ba ayaw mong magpanggabi dahil hindi mo kaya ang napupuyat?" Takang tanong ko.
"Ako rin, Chef! Handa na akong magpalit ng schedule!
"Ako din po, Chef!" sabi pa ng isa.
Lahat sila nagsilapitan sa akin at tinangka akong hawakan sa kamay. Lahat na gusto nang magpalipat kaya nagtaka ako.
"Heh! Tumigil nga kayo! Magsipasok na kayo sa mga kuwarto ninyo at hindi kami makapag-usap ng matino nitong bago nating kasama!" Malakas ang boses na sermon ni Jen.
Tumingin sila sa akin na nakikiusap ang mga mata, kaya nginitian ko sila. "We'll discuss it tomorrow. Magpahinga na kayo."
They quickly dispersed and went into their respective rooms. I, on the other hand, went to Jen and Skye's friend. They were in the living room, sitting on the rattan sofa.
"Gab!"
Sa pagtayo ni Jen ay tumayo rin ang bisita namin. Lumingon siya at nagtama ang paningin namin! Napahawak ako sa dibdib ko! Nabato ako sa kinatatayuan ako! Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Or am I dreaming?
He was dressed in a blue long-sleeve polo tucked into grey pants. I could tell he was still wearing their uniform because it matched my daughter's. Sa lakas ng tindig niya ay napapanganga na ako. Mabuti na lang at nakabawi ako.
My heart was beating rapidly in my chest as I approached them. Napakatiim kasi ng titig niya sa akin. Parang kakainin niya ako ng buhay. Parang ang sensual pa ng uri ng pagsuyod niya sa katawan ko. Hindi ko tuloy napigilan na ayusin ang buhok ko. Doon ko naramdamang suot ko pa rin ang chef hat ko. I removed it, and his eyes never wavered from mine. Biglang namawis ang mga kamay kong hindi naman talaga pawisin.
What is happening to me?
I took a deep breath and smiled at him. Hindi ako nagpahalata sa kaibigan ko dahil alam kong hindi niya ako patutulugin kapag nabuking niya ako.
Really? Anong nangyayari sa akin?
Marami rin naman akong nakasalamuhang mas guwapo pa sa kanya, pero kakaiba ang dating niya! He radiates a s****l aura!
Nahigit ko ang hininga ko nang iangat niya ang malapad na kamay niya para makipagkilala. I stared at it, and he had veiny hands! Hanggang saan kaya ang ugat niyon?
What on earth? Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.
"Good evening, Chef."
Shocks! Boses pa lang! Para na akong sinisilaban! His voice reminded me of my favourite actor when I was a teenager. Malalim at tila ba hinahalukay ang loob ko. I tried to keep my cool and lift my hands to shake his hands. Nang magdaupang-palad kami ay tila ako nakuryente! Did he feel it, too? Nakita ko kasi ang pag-angat ng labi niya. Wait! Ngumisi ba siya o ngumiti?
"I'm Angelo Razonable, and I'm at your service." He gently squeezed my hand and gripped it, too. Para akong hihimatayin sa mariing titig niya! And he smelled musky and sharp. I'm fairly certain he wasn't wearing perfume because it emitted from his body. Amoy patchouli! Ang paborito kong aromatic herb! I'm using that oil extract on my face! Oh, my goodness! How is it possible for a man to smell like that?
"I'm Skye's mom." F*ck! Bakit ako kinakabahan!
"It's nice meeting you, Chef Isla."
Isla? Wait! Parang nagkarambola ang puso ko sa kaba, kaya binawi ko ang kamay kong hawak pa rin niya. He was gorgeously taller than me. Hanggang ilong lang niya ako.
"Oh, wait! Maupo muna kayo. Ang mga babae talagang iyon! Nakalimutan nilang dalhin dito ang juice na ipinakisuyo ko." Tumayo ang kaibigan ko at humakbang patungo sa kusina. Nag-alangan naman ako kung uupo ba ako o hindi dahil hindi naman ako ang mag-o-orient sa kanya.
As I look at him, his gaze searches mine. I'm sure it was a mutual attraction. Kapwa kasi kami hindi matanggal ang tingin sa isat-isa, kaya ako ang unang nagbawi ng tingin. Baka ipagkanulo ko ang sarili ko sa unang gabi pa lang naming pagkikita.
He was a magnet, and I was his iron. Ganoon kaagad katindi ang epekto ng tingin niya sa akin.
I looked at him again. "Have we met before?" Hindi ko napigilang itanong dahil hindi niya ako tinatantanan ng tingin.
"You haven't met me, but I grew up seeing your ethereal beauty."
Muli akong napahawak sa dibdib ko partikular sa bandang puso ko dahil ang lakas-lakas ng t***k niyon. Parang lalabas na sa lakas!
"S-saan mo ako nakita?" I stammered. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil kasing-edad lang ng anak ko ang lalaking nasa harap ko. Doon ako nagising ngunit nalulunod ako sa uri ng titig niya sa akin.
He gave me a wicked smile. "Secret." He winked at me!
I almost passed out. Mas lalo akong naintriga sa kanya. Magtatanong pa sana ako ngunit dumating na si Jen. Doon na ako nagpaalam dahil parang kakapusin na ako ng hininga.
"Wait! Bakit ang pula-pula ng mukha mo?" Nag-aalalang tanong niya sabay hawak sa noo ko. "Ang init mo!" sigaw niya sabay hampas sa balikat ko.
"Ayos lang ako. Ano ka ba?" As I stood up, I smiled reassuringly at her. Kailangan ko na talagang lumayo sa kanila dahil nakakapanlambot ang epekto ng lalaking kasama namin. "B-balik na ako sa resto," I said, staring at my friend. Hindi ko na muling tinangkang tumingin sa lalaking kay tiim ng titig sa akin.
"Hindi ka pa nag-dinner, Gab!" sigaw ng kaibigan ko ngunit nagdire-diretso na ako palabas ng staff house. I was clutching my chest because I could not breathe. Parang sinaid ng lalaking iyon ang enerhiya ko!