Nakalapit na pala ito sa kanya ng hindi niya namalayan. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Ibinigay nito sa kanya ang dala nito na flower bouquet. "Mrs. Anderson, are you hungry? Dahil ako kanina-kanina pang gutom na gutom dahil sa'yo," ngumisi ito na tila ba may ibang kahulugan iyon. "Why are you so beautiful tonight? Huh!" Wika nito habang nakahawak ang mga kamay sa bewang niya at nakaharap naman siya rito. Napalunok siya ng wala pa rin lumalabas na kahit anong salita' mula sa sarili niyang bibig. "Good evening, Mr. & Mrs. Anderson. Your dinner is now ready. Enjoy!" Binitawan siya nito at itinaas ang kanang kamay sa dalawang waiter na naroroon. Hudyat na maayos na ang lahat at makakalabas na ang mga iyon. "Thank you!" Nagpasalamat at ngumiti siya sa mga iyon. Yun pa lang ang ta

