Bumalik si Zain na may pasak na ang ilong ng tissue. Bakas ang gulat sa mukha ng mga kasama nang salubungin siya. "What happened?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Gino. Zain shoved him away. "I'm fine." Bakas sa boses niyang may iniindang sakit. Nagpalitan ng tingin ang mga kasama niya. "Sino gumawa sa 'yo niyan?" tanong ni Cloud. Naupo siya. Mayamaya lang may staff na lumapit sa kanila. "Is there something wrong? Do you need medics?" "Ano'ng problema?" usisa ni George nang mapansing hindi pa nakapwesto ang mga manlalaro. Binalingan nito si Zain na ngayo'y suot-suot na ang headphones at naikabit na ang chord sa cell phone. Nang hindi pa rin nagsalita si Zain ay nagpasya na rin silang maupo at ihanda na mga phone na gagamitin. Lingid sa kaalaman ng mga kasama ni Zain na nakatutulong

