"Natutuwa akong marinig na pwede ng lumabas ang kapatid mo anytime today," bati ni Demi kay Polly nang dumalaw siya ng araw na 'yon. Noong araw ding iyon ang rescheduled check-up niya kaya't minabuti na rin niyang bisitahin ang magkapatid. Nakangiting sinalubong siya ni Polly at iginaya sa may malapit na upuan. "This is all thanks to you. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa 'yo nang hindi ka nangiming tulungan ako," anang nito habang nagsasalin ng inumin sa isang baso. "Hindi na kailangan. Ang mahalaga ay maayos na ang lagay ni Faye, I'm already happy with knowing that." Sinulyapan niya si Faye na tahimik na nakamasid sa kaniya ngayon. "Ah, muntik ko ng makalimutan." Iniabot muna sa kaniya ni Polly ang baso na may lamang juice at agad nagtungo sa kapatid. "Faye, siya ang sinasabi ko sa 'y

